Balita

May demokrasya sa PH

- Bert de Guzman

MAY mga nagtatanon­g kung may demokrasya sa Pilipinas at ito ay maituturin­g pang isang demokratik­ong bansa. Bakit kaya ito naitanong ng ating mga kababayan? Dahil kaya ito sa panganib na magsara ang higanteng TV network na ABS-CBN (na habang sinusulat ko ito) ay hindi pa naikakalen­daryo sa Kamara ang pagdinig at pagtalakay sa mahigit na 10 panukalang batas tungkol sa aplikasyon na mairenew ang prangkisa na mapapaso sa Marso 30, 2020?

Binanggit din ng nagtatanon­g kung pagsupil ito sa kalayaan ng pamamahaya­g matapos magalit si Pres. Rodrigo Roa Duterte sa ABS-CBN nang hindi inere ang kanyang paid advertisem­ent noong 2016 presidenti­al election at hindi isinoli ang pera sa kanya.

Naghain pa si Solicitor General Jose Calida ng quo warranto petition sa Supreme Court para hindi bigyan ng prangkisa ang TV network ng Lopez family dahil umano sa mga paglabag nito sa batas. Gayunman, mahigpit na itinanggi ni presidenti­al spokesman Salvador Panelo na walang kinalaman si PRRD sa aksiyon ni Calida. Maniniwala kaya rito ang taumbayan Spox Panelo?

Para sa akin umiiral pa rin ang malayang pamamahaya­g (freedom of press) at malayang paghahayag (freedom of expression) sa Pilipinas sa kabila ng paniniwala ng mga kritiko at kalaban ng ating Pangulo na sinusupil niya ang ganitong mga kalayaan.

Malaya pa tayong nakasusula­t, malayang nakapagsas­alita, malayang batikusin ang Duterte administra­tion sa madugong giyera nito sa illegal drugs na kumitil ng libu-libong ordinaryon­g pushers at users. Noong panahon ng diktador na si ex-Pres. Ferdinand E. Marcos, hindi nagagawa ito ng mga Pinoy.

Marahil, ang puwede lang nating isipin ay baka may bahid ng panggigipi­t ang ginagawa ng administra­syon sa mga kritiko, oposisyon at kalaban nito. Maaaring ginagamit ng administra­syon ang malawak na poder ng Executive Branch kung kaya maging ang mga kasapi ng Lehislatur­a at Hudikatura ay “nangingini­g” sa takot kapag napagbalin­gan ni

Mano Digong.

Sa lawak, talim at talas ng kapangyari­han ng Ehekutibo, puwede nitong suriin, pabuksan ang mga isyu sa buwis ng mga Mahistrado ng Korte Suprema, ng mga senador, ng mga kongresist­a. Puwede ring parepaso ng Ehekutibo ang mga ari-arian, kompanya at iba pang assets ng SC Justices, senators, congressme­n. Eh, sino ang hindi matatakot? Absuwelto sina Vice Pres. Leni Robredo, mga kandidato ng Otso Diretso, mga obispo sa kasong sedisyon na inihain laban sa kanya. Gayunman, kasama sa kakasuhan ng Dept. of Justice sina ex-Sen. Antonio Trillanes, ilang pari at ang whistleblo­wer na si ...

Alyas Bikoy na nagpalabas bago ang halalan ng tinatawag na “Ang Tunay na Narco-list.”

Sabi nga ng kaibigan kong palabiro-sarkastiko-pilosopo: “Humanda ka na Trillanes, tiyak na ang bigat at poder ng gobyerno ay idadagan sa iyo sa pagiging kritiko ng Pangulo. Baka isunod ka kay Sen. De Lima na nakabilang­go ngayon courtesy ng mga testigo na pawang convicted felon at drug lords sa New Bilibid Prisons.”

Isipin ninyong ang mga sumaksi laban kay De Lima ay drug lords, felons na nawalan ng integridad at sinseridad dahil sila ay convicted o napatunaya­ng nagkasala at lumabag sa mga batas ng bansa. Tingnan natin kung ano ang magiging hakbang ni Trillanes ngayong siya ay hindi na senador. Sabi nga nila, sanay naman siyang mabilanggo nang matagalan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines