Perpetual, naudlot ang ratsada sa titulo
MAS matagal ang ipaghihintay ng reigning men’s titlist University of Perpetual para malaman kung sino ang hahamon sa kanila sa kampeonato matapos na pansamantalang suspindihin ng NCAA Management Committee ang ang NCAA Season 95 seniors volleyball tournament dahil sa coronavirus outbreak.
Naglabas ng statement ang NCAA ManCom na pinamumunuan ni chairman Peter Cayco ng season host Arellano hinggil sa suspensiyon ng volleyball tournament.
“NCAA is temporarily suspending the games for Senior Division starting 14 February 2020 as a precautionary measure on the COVID 2019,” nakasaad sa league statement.
“We shall advise you of the schedule as it becomes available and in compliance with relevant DOH, DepEd, CHED and LGU advisories and guidelines. While we are mindful of the importance of holding the games the health of the students is our top priority,” ayon pa sa NCAA.
Nauna nang itinigil ang mga laro sa juniors division noong nakaraang linggo.
Wala pang abiso kung kailan ipagpapatuloy ang torneo.
May nalalabi pang dalawang playing dates sa men’s at women’s divisions bago lubusang matapos ang elimination round.
At dahil nawalis ng Altas ang siyam na laro sa eliminations, maghihintay pa sila kung sinong magwawagi sa stepladder semifinals na magsisimula pagkatapos ng preliminaries para malaman kung sino ang makakatapat nila sa championship.
Sisikapin ni Altas coach Sammy Acaylar na mapanatiling nasa kundisyon ang koponan hanggang sjmapit ang finals.
“To tell you frankly, ‘yung team ko ngayon nagpi-peak. So gusto ko i-maintain yun,” ani Acaylar.
“Dadaanin ko siya sa puro tuneup. Sa Navy, Cignal, FEU, at Adamson habang naka break hanggang mag-step ladder sila.To maintain their physical conditioning,”dagdag nito.