Balita

UE fencers, nagwalis; Dalmacio, nakamit ang ROY

- Marivic Awitan

TINANGHAL na Top RookieMVP si Queendenis­e Dalmacio ng University of the East matapos nitong pangunahan ang ang pagkumplet­o sa kanilang pagbawi sa women’s title sa pagtatapos ng UAAP Season 82 Fencing Tournament noong Biyernes sa Paco Arena.

Kumulekta ang Lady Warriors ng 4 na golds, isang silver at 3 bronze medals sa pamumuno ni Dalmacio upang makamit ang kanilang leaguebest 13th crown.

“Tumaas ang level ni Queen magmula noong nakapasok siya sa national team. Naglaro siya ng SEA Games, kaya iba na ang mental toughness niya,” ani UE coach Amatov Canlas.

“Hindi ko nga inaasahan na magiging Rookie-MVP siya. Deserved naman niya talaga iyan,” dagdag pa ni Canlas.

Tinalo ng UE ang De La Salle, 45-36, sa women’s team epee Finals, kasunod ang Univ of Santo Tomas, 4519 sa women’s team saber gold medal match.

Pumangalaw­a sa kanila ang De La Salle na nagwagi ng 1-2-1,gold, silver at bronze medals at pangatlo ang last season’s champion Ateneo na may 1-1-2 (gold-silver-bronze).

Muli namang namayani ang kanilang men’s team upang makamit ang ikawalong sunod nilang korona sa men’s division.

Inugusan ng Red Warriors ang Ateneo, 45-42, sa men’s team foil finals para makumpleto ang kanilang 5 gold at 1 silver medal haul upang maitala ang ika-14 nilang overall title sa pangunguna ni Sammuel Tranquilan na nag graduate na MVP sa ikatlong sunod na taon.

Tumapos na pangalawa sa kanila ang Blue Eagles na may 1-3-2 medal tally at pangatlo naman ang Green Fencers (0-1-5 ).

“Happy ako sa performanc­e ng team. Taon-taon naman ganito ang nangyari,” ayon pa kay Canlas.

Sa juniors division, winalis din ng UE ang girl’s at boy’s title.

Sa pangunguna ni Season MVP Samantha Catantan inangkin ng UE ang kanilang ika-9 na sunod na girls crown habang kinopo ng kanilang boys’ team ang 10th straight title.

Winalis ng UE ang 6 na gold medals matapos ang 45-44 na pag-ungos sa University of Santo Tomas, 45-44, sa girls’ team saber final at 45-30 panalo kontra din sa UST sa girls’ team epee final.

Pumangalaw­a sa kanila ang UST (0-3-6) at pumangatlo naman ang De La Zobel (0-0-3).

Sa boys’ division, pinangunah­an ni MVP Shawn Felipe ang UE sa 45-9 na pagdomina sa UST sa team foil finals upang makumpleto ang 5 gold, 2 silver at 2 bronze medal haul.

Pumangalaw­a sa kanila ang Ateneo(1-1-4) at pangatlo ang Far Eastern University-Diliman( 0-2-1).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines