Balita

Rondina, natatangin­g beach volley belle ng bansa

-

TAGUMPAY at impresibo ang kampanya ni

Sisi Rondina sa taong 2019.

Tinuldukan niya ang impresibon­g kampanya sa beach volleyball scene nang sandigan ang Philippine­s sa first Southeast Asian Games women’s beach volleyball podium .

Hindi katala-taka na pangalanan siya bilang Ms. Volleyball sa gaganaping SMC-Philippine Sportswrit­ers Associatio­n (PSA) Annual Awards Night sa Marso 6.

Kinilala rin si Rondina bilang isa sa ‘awardee’ sa gaganaping 37th SMB-SAC All-Cebu Sports Awardee sa

Feb. 29 sa Cebu City.

Ikinararan­gal ng Compostela, Cebu, ang 23-anyos na si Rondina, miyembro ng bagong nabuong Creamline beach volleyball club, ay kahanay na nina Alyssa Valdez (three times), Mika Reyes at Dawn Macandili na pinarangal­an ng PSA.

“For me, blessed sobra di ko naman din po inakala na ganito po ang ibabalik sa akin. Minahal ko lang talaga mga committmen­ts ko and syempre putting efforts sa lahat ng mga ginagawa ko lalo sa paglalaro po,” pahayag ni Rondina.

Bago ang SEA Games bronze medal, kasama ni Rondina ang matagal nang pakner na si Bernadeth Pons para sandigan ang Philippine­s sa quarterfin­als ng FIVB Beach Volleyball World Tour 1-Star Boracay Open nitong Mayo.

Kasunod nito, nakamit ni Rondina ang MVP honor para sa University of Santo Tomas, nang pangunahan ang Tigresses sa UAAP women’s volleyball finals sa walong sunod na taon.

“Wow, people are treating me like that po pero di ko iniisip yang mga ganyan kasi everyone can be a pride of their town but thankful kasi isa ako sa mga nabiyayaan,” sambit ni Rondina.

“Sana in some way maging tool ito to inspire young ones and syempre for those player na katulad ko kahit ano ka pa sino ka man pag may pangarap ka walang imposible,” aniya.

“Ako honestly, didnt expect na ganitong biyaya ang binigay saken pero ang alam ko pinagdadas­al ko lahat para sa pamilya ko at para sa mga taong naniniwala sa akin. Actually para saken wala lang to kasi ang mas timbang sa akin kung ano yung mga behind ng awards ko mga tulong at mga napasaya ko or sa amin yun ang nag ma-matter sa akin,” said Rondina.

“And siyempre huwag na wag nilang kalimutan ang nasa Itaas, disiplina sa sarili at wag na wag makalimot sa mga taong tumulong sayo. Lastly huwag na hiwag susuko sa mga pangarap na minimithi. Kahit sino at ano ka pa maging totoo ka lang at maipakita mo kung ano ang kaya mong gawin yun na yun,” aniya.

 ?? RONDINA: ?? PSA Awardee.
RONDINA: PSA Awardee.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines