Balita

Go-For-Gold at Scratch It, sisikad sa LBC-Ronda

- Annie Abad

DALAWANG koponan ang isasabak ng Go-for-Gold team para sa kampanya nito sa nalalapit na LBC-Ronda Pilipinas na nakatakda sa Pebrero 23 hanggang Marso 4.

Bukod sa Go-for-Gold, kasabay nitong papadyak ang koponan ng Scratch It para sa ika-10 anibersary­o ng nasabing karera na magsisimul­a buhat Sorsogon hanggang Vigan, Ilocos Sur.

Pinaghalon­g lakas ng mga beterano at mga batang siklista ang napiling bumuo sa dalawang nabanggit na koponan para sa naturang karera.

Ibabandera ng koponan ng Go-for-Gold ang mga dekalibren­g siklistang sina Junel Carcueva, Ismael Grospe Jr, at Daniel Carino kasama sina Ronnilan Quita, Jerico at John Lucero, ang National Junior champion na si Marc Ryan Lago at ang kanilang magiging team captain na si Ronnel Hualda.

Ang koponan naman ng Scratch It ay sasandal sa galing nina Luis Krogg, Joshua Bonifacio, Dominic Coronado, Chico Mendoza and mountainbi­ker Edmel John Flores with reinforcem­ents from Jerry Aquino, Elmer Navarro at Santy Barnachea.

“The guys have improved since we first took them and while our target is modest this year, I will not be surprised if we will give the favored teams serious challenge,” pahayag ni Go for Gold coach and manager Eds Hualda.

“That has been the goal by Go for Gold since the team was first formed. And we will never stop until we find and make them champions,” aniya.

Ito ay bilang pagbibigay ng pagkakatao­n para sa mga baguhang riders na ipakita ang kanilang sigla at galing sa pagsabak sa nasabing karera.

Kabilang din ang mga koponan ng Bicycology (Army), Bike Xtreme, Tarlac/Central Luzon, Ilocos Sur, South Luzon/Batangas at Nueva Ecija, kasama ang 7-Eleven Cliqq at ang Standard Insurance Navy.

Matapos ang 137-kilometer Stage One, raratsada ang Ronda sa 63km Sorsogon Legazpi Stage Two sa Feb. 24, 126.9km Legazpi-Naga Stage Three on Feb. 25, 212.5km DaetLucena Stage Four on Feb. 26, and 155.4km Lucena-Antipolo Stage Five on Feb. 27 bago ang pahinga.

Balik kalsada ang Ronda para sa 28.9km Lingayen-Lingayen Stage Six sa Feb. 29, 171.9km Lingayen-Nueva Ecija Stage Seven sa March 1, 177.1km Nueva Ecija-Baguio Stage Eight sa March 2, 176.4km Pugo, La Union-Vigan Stage Nine before closing it with a Stage 10 criterium in Vigan sa March 4.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines