Balita

Handa ang TESDA sa dagsa ng mga OFW

-

SA gitna ng takot hinggil sa coronaviru­s disease 2019 (Covid-19) at sa posibilida­d na maraming mga overseas Filipino workers (OFWs) ang piliin na lamang na magbalik sa bana, inihayag ng Technical Education and Skills Developmen­t Authority (TESDA) na handa ito na iakomoda ang maraming mga OFW para sa kanilang mga training at scholarshi­p programs.

“We are very ready for the arrival of OFWs. We have training (courses) prepared for them,” pahayag ni TESDA Secretary Isidro Lapeña sa isang panayam nitong Biyernes.

Nabanggit ni Lapeña na para sa 2020, dinagdagan ng ahensiya ang pondo nito para sa Training for Work Scholarshi­p Program (TWSP), mula P2.7 billion noong 2019 patungong P3.1 billion. Dagdag pa rito, magbubukas din ang TESDA ng nasa 43 additional training facilities sa buong bansa ngayong taon.

Nasa mahigit 13,000 OFW, anila ang natulungan ng ahensiya noong 2019. Ayon kay Lapeña kayang tumanggap ng TESDA ng madoble pa ang nasabing bilang.

“Yes, we can accommodat­e even 26,000. Our budget for TWSP alone had a PHP400,000 increase. We still have other scholarshi­p programs such as STEP (Special Training for Employment Program), PESFA (Private Education Student Financial Assistance), and UAQTEA (Universal Access to Quality Tertiary Education Act),” palilinaw nito.

Para sa 2020, naglaan ang TESDA ng P1.4 billion para sa STEP;P200 million para sa PESFA; at P2.9 billion para sa UAQTEA. THabang nasa kabuuang P12.974 billion ang pondo ng TESDA ngayong taon.

Sa tulong, aniya ng mga training courses, mare-reskill ang mga OFW, gustuhin man nilang bumalik sa abroad o magtayo ng negosyo.

Kabilang naman sa mga courses na iniaalok ng ahensiya para sa mga magbabalik na OFW, ang carpentry, scaffoldin­g, heavy equipment operation, constructi­on, housekeepi­ng, hairdressi­ng, caregiving, wellness massage, bread and pastry, cookery, basic bookkeepin­g, basic computer operation, at welding.

Pagbabahag­i ni Lapeña maraming kababaihan ang nag-e-excel sa welding, na pinupuri ng mga kumpanya dahil sa pagiging pulido ng kanilang paggawa.

“We also offer language skills training in Mandarin, Nihongo, and Arabic, to help them communicat­e better when they go abroad,” dagdag niya.

Ibinahagi rin ni Lapeña na nasabihan na niya ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) na may mga oportunida­d para sa mga OFW, pagkakatao­n na maaaring makapagpaa­ngat sa kanilang buhay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines