‘Aladdin’ sequel, kumpirmado

Balita - - Showbiz - Ni ANDREA ARO

MAGKAKAROO­N na ang Disney’s Aladdin 2019 live-action remake ng sequel.

Ayon sa Variety, binubuo na ng Disney ang “follow-up” sa pelikula kasama sina writers John Gatins at Andrea Berloff matapos ang tagumpay ng reboot last year, na kumubra ng billion-dollar global box office milestone.

Nasa “early developmen­t,” pa lamang ang pelikula at hindi pa matukoy kung magiging bahagi ng sequel sina Will Smith, Mena Massoud at Naomi Scott o ang director ng original reboot, balik naman si Guy Ritchie sa pelikula.

Binigyang-diin naman ng Variety na magiging theatrical release ang pelikula at hindi isang Disney plus title.

Hindi rin umano ibabase ang sequel sa 1992 animated “Aladdin” na mayroong two straight-to-video sequel.

Isa ang Aladdin sa mga live-action remakes na magkakaroo­n ng sequel matapos ang 2016’s Alice Through the Looking Glass at 2019’s Maleficent: Mistress of Evil.

Nomi at Mena

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.