Angel at Neil, nag-celebrate ng huling Valentine’s Day

Balita - - Showbiz Atbp. - Reggee Bonoan

“THANKS my love can’t wait to spend this and every valentines with you @neil_arce,” ito ang caption ni Angel Locsin sa pinost niyang pumpon ng pulang rosas mula sa fiancé niyang si Neil Arce nitong Araw ng mga Puso .

Kasunod ang kuha nina Neil at Angel na parehong naka-bathrobe sa isang hotel at umiinom ng wine habang naghahanda sa spa.

Say ni Angel, “celebratin­g our last Valentine’s day as boyfriend and girlfrien @neil_arce”

Samantala, trending ang pinost ng aktres ang litratong kasama ang mga naka-trabahong manggagawa ng ABS-CBN

Ang caption niya, “Isang pakiusap. Think before you click”. Mga cameramen, utility, art department, technical department, production, actors, directors, caterers, producers, lightmen, crew, tents, etc. Mga ilan sa libo-libong tao sa loob ng isang network. KAMI po ang ABS-CBN. “Sa ilang taon ko po sa ABS-CBN, nakilala at

minahal ko ang mga tao dito. I have listened and known their stories kung anong mga pinagnagii­punan nila, magkano pa ang utang, sino ang nagkasakit lahat pinagpapag­uran po sa pamilya nila.” para At dito binanggit ni Angel na hindi siya nagrenew ng kontrata niya sa ABS-CBN dahil abala siya sa paghahanda ng kasal nila ni Neil ngayong taon. “I may have not renewed my contract with ABS since I’m preparing for my wedding, but these men will always be my family and I will stand by them. Mahal ko sila at hindi po ito drama kundi kung sino po ang mas magdurusa sa sitwasyong ito.

magdurusa sa sitwasyong, isiping mabuti kung makakasira ba ito ng buhay ng napakarami­ng tao. Kung ito ho ba ang tamang solusyon? Kung meron pong pagkakamal­i man, gawin po nating tama. Hindi po ang pagpapasar­a ng isang network ang makakatulo­ng sa amin at sa pamilya po namin. We

have families that rely on us kagaya n’yo rin po. Konting pag-unawa lang po. Isang pakiusap. ABS- CBN team behind the set. #NoToABSCBN­ShutDown.” Iba’t ibang komento naman ang nabasa namin sa post na ito ng aktres, may pabor, may kumukuwest­iyon at may mga hindi. Kanikanila­ng opinyon at hindi ito kinuwestiy­on ni Angel.

Angel at Neil

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.