Tren, nagkaabery­a sa QC

Balita - - Front Page - Mary Ann Santiago

Napilitan ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na pababain ang nasa 450 pasahero nito kahapon ng umaga matapos na magkaroon ng aberya ang sinasakyan nilang tren sa Quezon City.

Sa abiso ng Department of Transporta­tion (DOTr), naganap ang unloading incident dahil umano sa electrical failure na dinanas ng motor ng isang southbound train nito sa Cubao Station, dakong 5:56 ng madaling araw.

Ipinaliwan­ag ng MRT-3, luma na ang subcompone­nts ng motor kaya nagkaabery­a ito.

Kaagad din namang nagpatupad ng remedial measures gaya ng preventive maintenanc­e at replacemen­t ng mga nasirang components ng tren ang MRT-3 upang maisaayos ang problema.

Sa tweet ng ilang pasahero, natukoy na nagresulta ang aberya sa pagkaipon at pagka-istranded ng mga pasahero sa ilang istasyon nito ng halos kalahating oras.

Kaagad rin namang humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 dahil sa perwisyong naidulot ng insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.