Kyline-Yasser loveteam, papatok kaya?

Balita - - Front Page - Nitz Miralles

SUSUBUKAN ng GMA-7 ang tambalan nina Kyline Alcantara at Yasser Marta sa bagong Afternoon Prime na Bilangin ang Bituin sa Langit. Sa napanood naming trailer ng soap na magpa-pilot sa February 24, after Prima Donnas, mukhang okay naman ang dalawa, pero sabi ng ilang press people sa mediacon, hindi pa nila nakikita ang chemistry nina Kyline at Yasser.

“Puwedeng wala pa kayong nakikitang chemistry sa amin ni Yasser dahil ngayon lang kami magtatamba­l. Nagkasama kami sa Kambal Karibal, pero hindi siya ang kalove team mo. Naniniwala akong lalabas din ang chemistry namin ni Yasser kapag madalas na kaming mapapanood,” pahayag ni Kyline.

Pang-ilang kapareha na nga ba ni Kyline si Yasser? Hindi na kasi puwede si Jeric Gonzales dahil nasa Magkaagaw si Jeric, si Manolo Pedrosa naman ay nakapareha na niya sa Inagaw ang Bituin. Si Miguel Tanfelix ay tila may ibang teleserye na gagawin kaya hindi sila pinagtamba­l sa Bilangin ang Bituin.

Anyway, eksena nina Kyline at Yasser ang naging rason para bumba sa van si director Laurice Guillen at ikorek si Kyline.

“Dahil sa pandesal ako napagalita­n ni direk Laurice, ingat na ingat pa naman ako na hindi ako mapagalita­n at hindi niya babain sa van. Ang eksena, iseserve ko ng pandesal si Jun (Yasser) na kinamay ko lang. Sabi ni direk Laurice, hindi dapat hinahawaka­n ng kamay ang pandesal at tinuruan niya ako kung paano ang tamang pagseserve ng pandesal. At least, napagalita­n man ako, may nadagdag na kaalaman sa akin at hindi ko uulitin ang pagkakamal­ing ‘yun kahit sa real life,” pangako ni Kyline.

Yasser at Kyline

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.