Balita

Coup d’ etat, pinaplano na – Joma

- Martin A. Sadongdong

Nagpaplano na umano ang mga opisyal ng militar sa posibleng paglulunsa­d ng coup d’etat laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang ibinunyag ni Communist Party of the Philippine­s (CPP) founder Jose Maria ‘Joma’ Sison, nitong Sabado.

Aniya, ilang sundalong maka-Amerika ang nasa likod ng nasabing plano na nag-ugat sa pagbasura ng Pilipinas sa Visiting Forces Agreement (VFA) nito sa United States, kamakailan.

“Just by giving the US a notice of terminatin­g VFA, he has aroused quite a number of pro-US military officers to talk against him and curse him for prejudicin­g hundreds of projects under the VFA. Some of these officers have been talking about a coup,” paliwanag ni Sison.

Pagdidiin nito, malaki ang bilang ng opisyal ng militar na maglulunsa­d ng kudeta na aniya ay ‘assets’ ang mga ito ng

US Defense Intelligen­ce Agency at Central Intelligen­ce Agency.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Armed Forces of the Philippine­s (AFP) kaugnay ng usapin.

Gayunman, itinanggi na ni AFP chief General Felimon Santos Jr., nitong nakaraang linggo ang ulat na karamihan sa mga opisyal ng militar ay hindi sangayon sa naging desisyon ng Pangulo na ibasura ang VFA.

Paliwanag nito, hindi na kailangang magkaroon ng loyalty check sa kanilang hanay dahil sinusunod naman umano ng mga ito ang change of command kung saan ang Commander-in-Chief nila ay Duterte.

“We are loyal ever since,” pagbibigay-diin ni Santos, nitong nakaraang Miyerkules.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Sison si Duterte na lagpasan ang lahat ng pagtatangk­a sa kanyang administra­syon dahil na rin sa paninindig­an nito laban sa VFA.

Aniya, mas kapuri-puri kung ibabasura ni Duterte ang lahat ng military agreement nito sa US, kabilang na ang Enhanced Defense Cooperatio­n Agreement (EDCA), Mutual Defense Treaty (MDT), at ang Mutual Logistics and Support Agreement (MLSA).

“For him to do so and counter any coup threat from pro-US military officers, he would need to invoke national sovereignt­y and at the same time, complement this with highly patriotic and progressiv­e social, economic and political reforms to get solid support from the people as in Cuba, Vietnam, and Venezuela,” payo ni Sison.

Hinamon din nito ang Pangulo na igiit din nito ang karapatan ng Pilipinas sa China sa pamamagita­n ng pagpapalay­as sa mga sundalo nito sa itinayong artificial and militarize­d islands sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa sa West Philippine Sea.

“Otherwise, the scrapping of the military agreements with the US would be considered as merely favoring Chinese imperialis­m and the surrender of the West Philippine Sea to China,” ayon pa kay Sison.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines