Balita

Cabinet members, nagkakasak­it na

- Beth Camia

Bunsod marahil ng walang tigil na trabaho para sa kapakanan ng publiko kontra 2019 nCoV, ilang miyembro na ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nagkakasak­it na.

Ito ang kinumpirma ni Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na nagsabing nawalan na ng boses si Health Secretary Duque dahil nagkaroon ito ng laryngitis.

Gayunman, siniguro namang maayos na ang pakiramdam ni Duque sa ngayon.

Maliban kay Duque, nagkaroon din ng ubo si National Security Adviser Hermogenes Esperon dahil sa panaypanay na pulong at pagod na rin sa trabaho.

Naging masama rin ang pakiramdam ni Esperon nitong nakalipas na araw pero maayos na ngayon ang pakiramdam nito.

“Nagkaroon siya (Duque) ng problema, nagkaroon siya ng laryngitis, so nawalan siya ng boses pero ngayon okay na. Marami sa Cabinet din iyong may ubo, pero ganoon nga, I’m okay na. Si Secretary Esperon ay may ubo iyon, pero nandoon siya sa Interagenc­y Task Force, kailangan pumasok. Ganoon talaga kailangan nating magtrabaho,” ayon sa opisyal.

Dahil dito, nagpaalala si Andanar sa publiko na ingatan ang sarili para makaligtas sa coronaviru­s at palagiang uminom ng Vitamin-C para matiyak na malakas ang kanilang resistensi­ya at magkaroon ng mahabang tulog.

Dapat din aniyang panatilihi­n ang pagiging malinis sa katawan at madalas na paghuhugas ng kamay para makaiwas sa ano mang uri ng sakit hindi lamang sa covid-19.

“Sa mga kababayan natin, paalala iyon nga, iyong vitamins kailangan talaga madalas tayong mag-load up ng vitamin C at matulog nang mahaba; kung kayang 8 hours, mas maganda 8 hours. Kailangang uminom ng maraming tubig – gaya ng binanggit mo, kailangang uminom ng vitamin C at kumain ng mga masustansi­yang gulay, at of course ‘yung lifestyle kailangan healthy din, iwasan ‘yung mapuyat. Pero ganoon pa rin, kailangan lang talaga balansehin iyong trabaho,” ayon pa sa kanya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines