Balita

Kamara kinalampag sa ABS-CBN franchise: Kilos na!

- Ni ELLSON A. QUISMORIO

Pinuna kahapon ng mga kongresist­a ang ipinapalag­ay na plano ng liderato ng Kamara na hayaang pumaso ang prangkisa ng broadcast giant na ABS-CBN bago kumilos sa nakabinbin na mga panukalang batas upang mai-renew ang prangkisa para sa isa pang 25 taon.

“We cannot just wash our hands of the bill. That would be tantamount to Congress renouncing its exclusive power to grant legislativ­e franchises,” saad sa pahayag ni Buhay Party-List Rep. Lito Atienza.

Ayon sa kanya, ang lahat ng 302 miyembro ng House of Representa­tive ay dapat na bigyan ng pagkakatao­n na bumoto sa franchise renewal bills kaugnay network na pag-aari ng mga Lopez.

Magpapaso ang prangkisa ng ABS-CBN sa Marso 30 ngayong taon, at mayroon lamang hanggang Marso 11 ang Komite upang kumilos sa mga nakabinbin­g hakbang dahil ang Kongreso magkakaroo­n ng summer recess pagkatapos nito. Mayroong 11,000 empleyado ang network.

Ang lahat ng mga mata ay nakatutok sa Committee on Legislativ­e Franchises na pinamumunu­an ni Palawan 1st district Rep. Franz Alvarez, dahil sandosena o higit pang mga panukalang batas na naglalayon­g i-renew ang franchise ay ini-refer sa panel. Sa ngayon, hindi ito nagkalenda­ryo ng isang pagdinig para sa partikular na mga panukalang batas.

Ibinasura ni Atienza ang “pipedream” na pahayag ng ilan nilang mga kasamahan na maaaring mag-operate ang ABS-CBN hanggang Marso 2022 kahit walang franchise basta’t makakuha ng two-year provisiona­l authority mula sa National Telecommun­ications Commission (NTC).

“That is a fantasy. The NTC will simply say we cannot possibly give you a provisiona­l authority because the chief lawyer of the Republic wants to shut you down,” ani Atienza, na ang tinutukoy ay ang quo warranto petition ni Solicitor General Jose Calida sa Supreme Court (SC) para bawiin ang umiiral na prangkisa ng ABS-CBN.

Sinabi ni Magdalo Party-List Rep. Manuel Cabochan III na ngayon na ang oras para aksiyunan ang nakabinbin­g mga hakbang para sa ABS-CBN.

“Why let the franchise effectivit­y lapse bago bigyan ng pansin?” diin ni Cabochan.

Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano nitong weekend na maaaring simulan ng kapulungan ang pagtalakay sa franchise renewal bills sa Mayo pagkatapos ng summer recess, o sa Hulyo, matapos ang paghahatid pagbibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang taunang State of the Nation Address (SONA).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines