Balita

Air strikes sa Yemen, 31 sibilyan patay

-

SANA’A (AFP) – Tatlumpu’t isang tao ang napatay sa air strikes sa Yemen nitong Sabado, sinabi ng United Nations, ang mga biktima ng maliwanag na ganti sa pangunguna ng Saudi matapos aminin ng rebeldeng Huthi na suportado ng Iran ang pagpapabag­sak sa isa sa mga eroplano nito.

Bumulusok ang eroplano ng Toronto nitong Biyernes sa northern AlJawf province habang nasa operasyon upang suportahan ang mga puwersa ng gobyerno, isang bihirang pagbaril na nagtulak sa mga operasyon sa lugar ng Saudi-led military coalition na nakikipagl­aban sa mga rebelde.

Ang madugong insidente ay kasunod ng pagtindi ng mga labanan sa hilagang Yemen sa pagitan ng magkakalab­ang partido na nagbabanta­ng magpalala sa humanitari­an crisis ng bansang dinudurog ng digmaan.

“Preliminar­y field reports indicate that on 15 February as many as 31 civilians were killed and 12 others injured in strikes that hit Al-Hayjah area... in AlJawf governorat­e,” saad sa pahayag ng UN humanitari­an coordinato­r para sa Yemen.

Kinondena ni Lise Grande, ang UN coordinato­r, ang “terrible strikes”.

“Under internatio­nal humanitari­an law, parties which resort to force are obligated to protect civilians,” aniya.

“Five years into this conflict and belligeren­ts are still failing to uphold this responsibi­lity. It’s shocking.”

Iniulat ng mga rebelde ang maramihang air strikes ng coalition sa lugar kung saan bumagsak ang eroplano, idinagdag na kabilang sa mga namatay at nasugatan ay mga babae at bata, ayon sa rebel television station na Al-Masirah.

Inamin ng coalition ang “possibilit­y of collateral damage” sa panahon ng “search and rescue operation” sa lugar na kinabagsak­an ng eroplano, na hindi pa tiyak ang sinabit ng crew.

 ?? AFP ?? PAPALAPAG ang fighter jet sa Khamis Mushayt military airbase, KSA. Pinangungu­nahan ng Saudi Arabia ang kontrobers­yal na bombing campaign laban sa mga lugar sa Yemen na hawak ng relbelde mula pa noong 2015.
AFP PAPALAPAG ang fighter jet sa Khamis Mushayt military airbase, KSA. Pinangungu­nahan ng Saudi Arabia ang kontrobers­yal na bombing campaign laban sa mga lugar sa Yemen na hawak ng relbelde mula pa noong 2015.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines