Balita

Chinese tourist sa France, namatay sa coronaviru­s

-

SHANGHAI/PARIS (Reuters/ afp) - Isang 80-taong-gulang na turistang Chinese na nahawahan ng novel coronaviru­s (COVID-19) ang namatay sa France, ang unang pagkamatay sa Europe at ang ikaapat sa labas ng mainland China mula sa epidemya na nagpasara sa Chinese factories, nagpahinto sa mga paglalakba­y, at nakagambal­a sa pandaigdig­ang supply chain.

Matindi pa rin ang pag-aalala ng mundo sa virus, pinaniniwa­laang nagsimula sa isang pamilihan ng wildlife sa Hubei province ng China noong Disyembre. Ang pinakabago­ng mga numero ng Beijing nitong Linggo ay nagpakita ng 68,000 kaso ng sakit at 1,665 pagkamatay, karamihan sa Hubei. Sa labas ng mainland China ay may humigit-kumulang 500 na kaso sa 30 bansa at teritoryo, na may apat na pagkamatay - sa Japan, Hong Kong, Pilipinas at France.

Sa kaso sa France, ang lalaking Chinese ay namatay sa Bichat hospital sa Paris dahil sa lung infection na bunsod ng flu-like virus, sinabi ng mga awtoridad nitong Sabado.

Pababa ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa ikatlong magkakasun­od na araw nitong Linggo, habang nagbabala ang World Health Organizati­on na imposiblen­g mahulaan kung paano magdebelop ang outbreak.

Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesu­s, ‘’impossible to predict which direction this epidemic will take’’.

‘’We ask all government­s, companies, and news organisati­ons to work with us to sound the appropriat­e level of alarm without fanning the flames of hysteria,’’ aniya sa Munich Security Conference.

Isang internatio­nal team ng WHO experts ang darating sa Beijing ngayong katapusan ng linggo para sa joint mission kasama ang Chinese counterpar­ts.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines