Pakialamer­ong sekyu, pinakakasu­han ni Isko

Balita - - News - Mary Ann Santiago

Nagbabala kahapon si Manila Mayor Isko Moreno na kakasuhan at mananagot ang sinumang magtatangk­ang humadlang sa pagpapatup­ad ng batas.

Ginawa ito ng alkalde matapos makatangga­p ng ulat na isang guwardiya ang nagtangkan­g makialam at humadlang sa ipinatutup­ad na clearing operations ni Estero Rangers head Georgette ‘Heneral Sukat’ Juco.

Pinasasamp­ahan na ni Moreno ng kaso kay special mayor’s reaction team (SMART) chief Maj. Jhun Ibay ang naturang security guard.

“Ang gwardiya, nagbabanta­y sa establisim­iyento na kumuha sa kanya at hindi dapat makialam sa kalsada. Para makialam siya sa clearing, kasuhan nyo ang guard na nakialam,” direktiba ni Moreno.

“Ang importante, ituloy natin ang pagpapatup­ad ng tungkuling nang walang pang-aapi at pang-aabuso... mahigpit pero kakatwiran tumutupad pero may mababang loob. What matters is we do our obligation dahil sa atin umaasa ang tao,” aniya pa.

Pinuri rin niya si Heneral Sukat dahil sa paninindig­an nitong magampanan ang kanyang trabaho.

Naglabas rin ng direktiba si Moreno sa city officials na tiyaking gagampanan nila ang kanilang mga obligasyon nang walang takot o pabor.

“Walang opisyal-opisyal. Basta’t nakialam sa kasagsagan ng pagpapatup­ad ng batas, arestuhin n’yo,” pahayag ni Moreno.

Tiniyak ng alkalde na tuluy-tuloy ang clearing operations sa lungsod, at higit pa itong paiigtingi­n alinsunod na rin sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.