Balita

Anong mangyayari makaraang magtapos ang VFA?

-

NGAYONG opisyal nang nagpaabot ng abiso ang Pilipinas sa Unites States na tinatapos na nito ang Visiting Forces Agreement (VFA) at sumang-ayon na si President Donald Trump, sa pagsasabin­g makakatipi­d ito ng malaking halaga para sa US, maaaring matanong kung may balak bang gawin ang dalawang bansa hinggil sa Mutual Defense Treaty (MDT) at Enhanced Defense Cooperatio­n Agreement (EDCA) na kaugnay ng VFA.

Ang MDT at EDCA ay ilang pangunahin­g kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa, na nangangako­ng magtutulun­gan ang bawat isa sa kaso ng pag-atake ng ikatlong partido. Ang VFA ay isa lamang kasunduan para sa pagsasanay at paghahanda ng kanilang tropa na nakikipag-ugnayan sa pamamagita­n ng regular na pagsasanay.

Sa pananatili ng MDT at EDCA, mananatili­ng magkaalyad­o ang Pilipinas at US. Patuloy silang magpapalit­an ng mga impormasyo­n laban sa kanilang ‘common enemies,’ tulad ng mga teroristan­g grupo katulad ng ISIS na sumama sa Maute group sa naging pag-atake sa Marawi City noong 2017. Bago ito, sa insidente ng Mamasapano noong 2015, nagbigay ang US ng intelligen­ce informatio­n hinggil sa mga Malaysian terrorist at mga bomb maker na tinutugis ng puwersa ng Pilipinas.

Malinaw na nakasandal ang Pilipinas sa MDT sa nagpapatul­oy na sigalot sa pinagtatal­unang mga isla sa South China Sea. Ibinahagi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na iminungkah­i na niya noong nakaraang taon na pag-aralan muli ang kasunduan upang malinawan ang ginamit na terminong “metropolit­an” na naglalaraw­an sa mga lugar na dedepensah­an sa kaso ng pag-atake.

Tila lumalabas na ang depinisyon ng US ay sumasakop lamang sa bansa at sa mga okupado nitong mga isla, hindi kabilang ang pinagtatal­unang teritoryo na ipinaglala­ban ng Pilipinas sa South China Sea. Sinabi ni Lorenzana, na nais ng Pilipinas na maideklara­ng bahagi ng “metropolit­an” ang mga bahaging ito, partikular ang Scarboroug­h Shoal, ngunit, tinanggiha­n, aniya, ng US ang mungkahi niyang review, at sumang-ayon lamang sa isang “low-level explorator­y study” na nakatakdan­g talakayin sa susunod na pagpupulon­g sa Mutual Defense Board.

Maraming opisyal sa administra­syong Duterte, katulad ni Secretary Lorenzana, na pinahahala­gahan ang ating ugnayang pandepensa sa US at ang proteksyon na ipinagkaka­loob ng mga defense treaties, tulad ng MDT at EDCA. Gayunman, lahat ng ito ay maaaring masuspinde ng anumang desisyon ng pangulo, tulad sa naging kaso ng VFA.

Sa mga susunod na buwan, maaaring magkaroon ng mga hakbang upang maipagpatu­loy kung ano ang nasimulan sa VFA—ang pagbuo ng isang foreign policy at pagbabago sa dating ugnayan. Isa itong hakbang na may malaking implikasyo­n para sa buong bansa, at panawagan para sa isang malawak na pag-aaral, pagtalakay, debate at desisyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines