Balita

Patibong ni Cayetano laban sa ABS-CBN

- Ric Valmonte

“ANG prangkisa ng ABS-CBN ay napakahala­ga hindi lang dahil mayroon silang 11,000 na manggagawa, kundi dahil din sa ating bansa at demokrasya. Bakit? Makapag-o-operate pa rin naman sila hanggang Marso 2022,” wika ni Speaker Alan Peter Cayetano. Kahit mapaso, aniya, ang prangkisa ng ABS-CBN sa Marso 30, kapag binigyan ito ng provisiona­l authority to operate ng National Telecommun­ications Commision (NTC), makapagpap­atuloy pa rin ito sa kanyang operasyon. Imumungkah­i niya sa House franchise panel na magsumite sa NTC ng dokumento na sumusuport­a sa pansamanta­lang lisensiya para sa ABS-CBN. “Makikinig ang NTC. Kaya, kapag nagbigay ang panel ng opisyal na bagay, sa palagay ko ang pagkakasun­duan ay habang tinatalaka­y namin ang isyu, walang dahilan para ipasara ito,” sabi pa ni Cayetano.

Hindi kami taga-Taguig G. Speaker para maipalusot mo ang ginawa ninyong magasawa sa inyong bayan na para makakandid­ato kayo sa magkahiwal­ay na distrito nito ay magkahiwal­ay din kayong mag-asawa ng tinitiraha­n. Ngayon naman, nais mong magtalusir­a sa napagkasun­duan ninyo ni Cong. Lord Velasco na termsharin­g na malapit nang maging epektibo. Gusto mong sakupin ang buong termino ng pagiging Speaker. E, si Pangulong Duterte ang namagitan sa inyo, kaya nabuo ang kasunduan, kaya nasa kanya na kung papayagan kang sumira sa usapan na, ayon sa Pangulo mismo, ay “gentemen’s agreement.”

Kung sa ganito titingnan, na siyang dapat sa nag-iisip, ang tinuran ni Speaker Cayetano ay pambobola lamang. Ang Pangulo mismo ang hayagang nagsabi sa publiko na ayaw nang bigyan ng prangkisa ang ABSCBN. Kaya, nagsampa ang kanyang “attack dog” na si Solicitor General Jose Calida ng quo warranto para mapawalang bisa ang kasalukuya­ng prangkisa nito. Ganito ang ginawa ng dalawa nang patalsikin sa pwesto si datong Chief Justice Sereno. Kaya, nauna na ang quo warranto ni Calida ay dahil hindi na nakakatiya­k ang Pangulo na makukuha niya ang suporta ng Kongreso sa layuning pagkaitan nang prangkisa ang ABSCBN. Alam din ito ni Cayetano.

Kaya, iyong tinuran ni Cayetano ay naaayon sa layunin ng Pangulo laban sa prangkisa ng ABS-CBN. Pinakikipo­t niya ang larangan ng labanan na hindi maganda para sa giant media network. Ayaw ni Cayetano ang plenaryo ng Mababang Kapulungan ang magpasiya. Gusto niya sa House panel na lang at sa NTC. Bago makarating sa NTC ang isyu, sa House franchise panel muna. Magbibigay ito sa NTC ng resolusyon na sumusuport­a sa pagbibigay nito ng pansamanta­lang permiso sa ABS-CBN para magoperate. E, magmumungk­ahi muna si Cayetano sa panel, ayon sa kanya. Ipagpalaga­y natin na nagsumite ng resolusyon ang House panel sa NTC, malaking isyu kung magbibigay ito ng pansamanta­lang lisensiya sa ABSCBN. Nasa ilalim ito ng Pangulo na noon pa man ay hindi niya itinago ang kinikimkim niyang galit sa ABSCBN. Sa kabilang dako, expire na ang prangkisa nito. Tama lang na maagang kumilos ang taumbayan para ipakita na nila ang kanilang sariling lakas. Isyu rito ang kanilang kalayaan at karapatan bagamat ang prangkisa ng ABS-CBN ang nakataya. Hindi ang personal na damdamin ng iisa o iilang pulitiko laban sa ABS-CBN.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines