Balita

Bagong pangalan ng coronaviru­s

- Bert de Guzman

MAY bago na ngayong pangalan ang 2019 novel coronaviru­s Acute Respirator­y Disease o 2019 nCoV APD. Ang bagong pangalan na ibinigay ng World Health Organizati­on (WHO) ay COVID-19 o coronoviru­s disease-2019.

Sa huling balita noong Pebrero 13, umabot na sa 1,100 ang biktima ng Covid-19, karamihan ay mula sa China. Ang kabuuang kaso ng sakit sa mainland China ay naging 44,653 bagamat sinasabi ng mga eksperto na marami pa ang hindi naire-report. Samakatwid, mukhang madaragdag­an pa ang biktima at mga kaso ng COVID-19 kapag hindi nakaimbent­o o nakagawa ang mga Chinese doctors at mga manggagamo­t sa ibang mga bansa ng kaukulang bakuna o gamot laban sa karamdaman.

Sa panig ng Pilipinas, nagkukumah­og ngayon ang Department of Health (DOH) para masawata ang posibleng pagkalat ng sakit na ito o magkahawah­an ang mga Pilipino sa kapwa Pilipino o local transmissi­on (community outbreaks).

Ang posibilida­d ng local transmissi­on ay pinanganga­mbahan ng DOH dahil siyam na bansa na sa mundo ang nagkahawaa­n ng kanikanila­ng mga kababayan. Sinabi ni DoH Usec Eric Domingo na ang tatlong kumpirmado­ng kaso ng COVID-19 sa Pinas ay “imported” at wala pa namang lokal na hawahan ng Pinoy sa Pinoy. Gayunman, kailangan ang preparasyo­n para hindi kumalat ang virus sa community level.

Ayon kay Domingo, ang local transmissi­on o hawahan ay naiulat na sa Australia, France, Germany, Hong Kong, Japan, Singapore, South Korea, Thailand at Vietnam.

Hanggang noong Pebrero 12, inihayag ni Domingo na may 408 tao na ang nasa ilalim ng tinatawag na “persons under investigat­ion” o PUIs dahil sa Covid-19. Sa bilang na ito, 240 ang Pilipino, 98 ang Chinese, walo ang Amerikano, at 50 ang iba’t ibang nasyonalid­ad.

May 208 ang negatibo sa virus samantalan­g 197 ang naghihinta­y pa ng confirmato­ry laboratory tests kung sila’y nahawahan, gaya ng tatlong Chinese na naging positibo sa sakit.

Pinuna ni Vice Pres. Leni Robredo si Pres. Rodrigo Roa Duterte dahil umano sa pag-aapurang putulin ang Visiting Forces Agreement ng Pilipinas at ng United States, pero napakabaga­l naman daw sa sa pagkilos laban sa novel coronoviru­s problem.

oOo

Ayon kay beautiful Leni, nagulat siya sa bilis ng pagputol ni Mano Digong sa VFA. “Nagpasiya sila sa kabila ng apela ng AFP, Senado at iba pang mga opisyal ng gobyerno na repasuhin muna ang VFA,” pahayag ni Robredo mula sa Camarines Sur.

Hindi raw niya alam ang tunay na dahilan sa pagputol sa VFA subalit dapat daw ay pinag-aralang mabuti. Sa panig ng Malacañang, ipinasiyan­g lagutin na ang VFA dahil sa “shabby treatment” o hindi magandang pagtrato ng US sa Pilipinas sa kasunduan. Lagi raw dehado ang PH sa VFA at ang nananaig ay ang interes ng mga Kano.

Samantala, isinusulon­g ng AFP ang military cooperatio­n agreement sa ibang bansa kapag naging pinal ang paglagot sa VFA. Kabilang sa mga bansang ito ay China, Japan. Sinabi naman ni Gen. Felimon Santos Jr., kinumpirma ng Senado bilang bagong Hepe ng AFP, na magsu-survive ang military at ang bansa kahit tuluyang mawala ang ayudang-militar ng US bunsod ng pagkawala ng VFA. Abangan at tingnan natin!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines