Direk Sigrid trending sa socmed dahil sa commercial

Balita - - Showbiz Atbp. - Ni REGGEE BONOAN

HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay nasa kulang 10M views na ang Jollibee online commercial na may titulong Space sa Youtube at kulang 20M views na sa Facebook simula nu’ng iere ito noong Pebrero 3.

Napapanood namin ito dahil laging nagpi-play ng ad sa Youtube channel at naaliw ako sa kuwento lalo na sa bidang lalaking si Dan na hindi guwapo at hindi rin maganda ang katawan pero sobrang thoughtful, caring, mabait at grabe ang sense of humor na dahilan kaya iniwan siya ng magandang girlfriend kasi nga akala laging hindi seryoso sa ginagawa bukod pa sa hoping na makakuha ng model type.

Lumang kuwento pero ang galing ng nagsulat kasi bagong bihis at perfect lahat ng shots, hanggang doon na lang kami.

Hanggang sa nag-post si Direk Sigrid Andrea Bernardo kahapon sa kanyang Facebook page, “Thank you. I am 100% Filipino for this!#KwentongJo­llibee #Space.” Shinare niya ang write up sa online na, ‘Jollibee Short film tungkol sa lalaking iniwan at nakahanap ng ‘perfect one,’ trending sa socmed.’

Nag-message kami kay direk Sigrid kung siya ang direktor ng nasabing online commercial ng nasabing fast food chain.

“Yes, ‘yung SPACE,” sagot ng direktora. Binati namin dahil ang ganda at ang haba, mahigit sa anim na minuto at hindi kami nabore.

“On the spot workshop ‘yun!,” sabi pa ni direk Sigrid.

Taray, on the set talaga ang workshop na umabot ng 3 days shooting.

Kaya ang tanong namin kaagad sa direktor ng Untrue kung hindi ba na-trauma sa kanya ang mga talent na bida ng commercial?

Kasi ang mga bida ng pelikulang Untrue na sina Xian Lim at Cristine Reyes ay talagang nagkaroon ng trauma sa istilo ng pagdi-direk ni Sigrid.

“Yes super! Grabe pinagdaana­n nila sa akin. Kinausap ko naman sila na hindi ako papayag

na hindi sila maging okay. They understood that. Kahit mahirap they really did their best. And grabe patience nila for this. And I am touched na they are even grateful for everything on what they learnt from the shoot. I’m very proud of them. Di lang sa journey nila sa acting pero pati sa ugali. Sana mabigyan sila ng maraming projects,” pagtatapat ng direktora.

Ang mga nasabing talent ay si direk Sigrid mismo ang pumili at hindi galing sa talent agency.

“’Yung guy, naka-work ko isang beses for a teaser and ‘yung Mitch. Tapos ‘yung Mae kasama ko sa isang workshop event,” sad pa. In fairness ang huhusay nu’ng tatlong talents ng Space dahil parang mga datihan na, “Oo hirap ng shoot. First time rin nila na major roles sa commercial. And ‘di nila in-expect na mahirap ‘yung aktingan.”

Pero hindi si direk Sigrid ang nagsulat ng script, “Nag collaborat­e ako 'with MCCann agency sa script. Pero galing sa kanila, I’m glad they trusted me to collaborat­e sa script.”

Ikalawang Jollibee online commercial na raw ni direk Sigrid ang Space, nauna na ‘yung Bestfriend noong 2018 na mga bata naman ang bida at hindi kilala.

Mga bata naman ang na-trauma, “Ha ha ha hindi naman no. Minsan mas okay pa turuan mga bata. Mas okay sa akin ang acting, raw pa. Walang bad habits. Pero depende pa rin naman. If fast learner.”

Inabot naman ng 2 days ang shooting ng mga bagets at enjoy sila sa set.

Inamin ding mas malaki ang talent fee ni direk Sigrid sa commercial­s kaysa pelikula. At teleserye kaso hindi naman niya type gumawa ng serye dahil hindi niya kaya ang maraming sequences sa isang araw na shoot.

Ito ang inamin noon ng direktora sa solo presscon niya para sa pelikulang Untrue na mapapanood na sa Pebrero 19 produce ng Viva Films.

Direk Sigrid

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.