Balita

Bagong SMAC TV artists, ipinakilal­a

- Reggee Bonoan

SA ikaanim na taon ng SMAC TV Production ay ipinakilal­a sa media/bloggers ang #Vision2020 sa mga bago nilang talent ngayon at lahat ay may kanya-kanyang shows sa iba’t ibang TV network at platforms.

Ang dating talents ng SMAC TV ay sina Justin Lee, Mateo San Juan, Isaiah Tiglao, Rish Ramos, Miko Juarez (Pinoy Boyband top 12 finalist), Aiana Juarez (Youtube sensation), Gabriel Umali (Pinoy Boyband top 25) at Rojean Delos Reyes (Social media influencer).

Pero sa ginanap na launching para sa bagong artists ay sina Justin, Mateo, Isaiah, at Rish na lang ang natira sa originals.

Anyway, maganda ang naisip ng pamunuan ng SMAC TV prod dahil marami silang talents na nadagdag na tulad nina Awra Briguera, Hashtag Jimboy Martin, Patrick Quiros, Karen Reyes na isinama kina Justin, Mateo, Isaiah, at Rish para sa noontime variety show na Yes, Yes Yow! na umeere sa IBC 13 tuwing Sabado – 11:30 – 1PM na magsisimul­a sa Abril 4, 2020 (12 episodes) mula sa direksyon ni Jay Garcia.

Na-curious ang mga imbitadong bloggers at entertainm­ent media sa launching kay Awra dahil kahit na tuwing Sabado lang umeere ang Yes, Yes, Yow! ay katapat pa rin ito ng It’s Showtime ni Vice Ganda na alam naman ng lahat na anakanakan siya nito. Natanong ang umiidolo sa TV host kung nagpaalam siya na magkatapat ang programa nila.

Hindi kaagad nakasagot ang batang aktor pero ang mabilis niyang katwiran ay hindi pa sila nagkita ni Vice kaya hindi pa niya ito nababanggi­t pero kung sakaling malaman ng Showtime host ay tiyak na okay lang sa kanya dahil nga gusto nitong umasenso si Awra.

Aniya, “Hindi ko pa po nababanggi­t sa kanya and then naging busy din po ako sa promo ng movie na showing na po ngayon., ‘yung James Pat and Dave at sobrang busy nga rin po kasi regular student na po ako, nasa grade 10 na po ako, magse-senior na po ako. ‘Yun nga po, hindi ko pa nasasabi kay Meme (tawag kay Vice), pero pag nagkita po kami, sasabihin ko po.

“At sa pagtatapat ng aming shoe, for sure po matutuwa si Meme at magiging proud siya sa akin at kahit na magkaibang channel ‘yan basta alam niya po na may project ako at nagagawa ko ng maayos.”.”

Sa tingin ni Awra kakabugin niya si Vice sa hosting, “wala naman pong pagalingan o patalbugan, basta po ang parehas naming layunin ay magpasaya po ng tao.”

Mapapanood naman sa GMA News TV (channel 11) ang 30-minute documentar­y show na We Survived na tatalakay sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas na indi masyadong napupuntah­an, food at culture/tradition na iho-host nina Justin at Mateo na sisimulan din sa Abril 4, 2020 (12 episodes) na ididirek ni Chrysler Malinay at produced ni John Marko Gutierez.

Talk show naman ang tema ng host na si Rayantha Leigh sa My Life, My Music kung saan tatalakayi­n ang tungkol sa Original Pilipino Music (OPM) at kung paano nakikipags­abayan sa foreign sounds. Sa GMA News TV (channel 11) naman ito eere simula Abril 4, 2020 tuwing Sabado – 4:30PM – 5PM (12 episodes) mula sa direksyon ni Chrysler Malinaw at sinulat ni Enrico Jamora at si John Marko Gutierez ang producer.

Sa mga nagsisimul­ang mag-negosyo ay bagay sa inyo ang programang Consumer’s Desk na iho-host nina Dean Rodel Taton at Ms Vannesa Oyos na nagsimulan­g mapanood nitong LInggo 6-7PM, Pebrero 16 sa BEAM TV (channel 32) 12 episodes.

May sariling teleserye naman si Rish, ang Rish Drama Special na mapapanood sa Abril 5, 2020 (Linggo) sa ganap na 4:30 – 5PM (12 episodes). Sina Chrysler Malinay at John Marko Gutierez ang direktor at producer.

Isa pang teleserye ang eere sa BEAM TV (channel 32) simula Abril 5, 2020 (Linggo) sa ganap na 5 – 5:30PM (12 episodes) na pagbibidah­an nina Ella Apon at Rayantha Leigh na mau titulong Kaagaw sa Pangarap na tatalakay sa problema ng magkapatid at sa mga pinagdaana­n nila sa buhay.

Pangarap maging doktor para matulungan ang mga kababayan niya ang buod ng teleseryen­g Nathaniel’s Bestfriend na pagbibidah­an ni Leandro Comia at ang kaibigan niyang aso. Alamin kung magiging sagabal ba o makakatulo­ng ang bestfriend ng bagets simula Abril 5, 2020 (Linggo) sa ganap na 5:30 – 6PM sa BEAM TV (channel 32).

At ang digital series I Love You 10,000 Hrs na mapapanood sa iWant na pagbibidah­an nina Mateo at Heaven Peralejo mula sa direksyon ni Chrysler Malinay at sinulat ni Enrico Jamora. Wala pang binanggit kung kailan ang airing ng digiseries na ito, iisa lang ang sigurado, kinikilig ang binata sa kanyang leading lady kaya tinutukso siya ng lahat.

Ang iba pang kasama sa launching ay sina Kikay at Mikay, Ella, Kin, John, Klinton, Hero, Jesse, Steven at JB.

Samantala, mabenta sina Liza Soberano, Nadine Lustre, Ivana Ilawi at Kathryn Bernardo na crush ng mga baguhang aktor. Sina Daniel Padilla, Derek Ramsay, Enrique Gil at James Reid naman ang binanggit ng mga baguhang aktres na type nila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines