Balita

Bb. Pilipinas 2020 candidates, ibinida ang kanilang talento

- Ni ROBERT R. REQUINTINA

MAGANDA, matalino at talented. Pinahanga ng 20 mula sa 40 kandidata ng Bb. Pilipinas 2020 beauty pageant ang mga manonood at mga hurado sa kanilang natatangin­g galing sa pagkanta, pagsayaw at iba pang talent , sa New Frontier Theater sa Araneta City nitong Valentine’s Day.

Ito ang unang pagkakatao­n na idinaos ang talent competitio­n ng Binibining Pilipinas sa New Frontier Theater. Lalo pang naging espesyal ang event, dahil bahagi ng show mula sa ticket sales ang ido-donate sa Philippine Red Cross-Quezon City Chapter.

Binuksan ni Binibini #1 Samantha Panlilio ang pagtatangh­al gamit ang kanyang dance routine. Habang nagpakita rin ng “sizzling dance choreograp­hies” sina Binibini #2 Rowena Sasuluya, Binibini #3 Lois Anne Badando at Binibini #5 Arianne Deseree Viardo.

Talento naman sa pagkanta ang ipinakita ni Binibini #6 Princess Ann Guanzon, habang acting with monologue ang ibinahagi ni Binibini #7 Shanon Tampon. Folk dancing naman ang piniling ipakita ni Binibini #8 Meiji Cruz (folk dancing). Magic performanc­e ang naging pambato ni Binibini #12 Vianca Marcelo, sayaw para kina Binibini #14 Hazel Joy Ortiz, at Binibini #16 Alexandra Rosales, habang singing at dancing naman si Binibini #17 Justine Felizarta.

Pinahanga naman nina Binibini #20 Ana Thea Cenarosa ang manonood sa kanyang dribbling skills, Binibini #22 Maria Ruth Erika Quin sa kanyang painting skills, Binibini #27 Jasmin Dimaculang­an para sa isang song number, at si Binibini #28 Ma. Francesa Taruc sa isang declamatio­n piece.

Hindi rin nagpahuli sa pagpapakit­a ng talent sina Binibini #30 Noriza Valerio na sumayaw, Binibini #32 Danica Joy Acuna na nagpamalas ng puppeteeri­ng, Binibini #33 Alexandra Garcia sa pagsayaw, Binibini #34 Mercedes Pair sa pagkanta at Binibini #37 Alexangela Slavador sa painting skills.

Mismong si Binibining Pilipinas Charities, Inc. Stella Marquez Araneta ang nanguna sa lupon ng mga hurado. Kasama niya sa mga hurado sina Bb. Pilipinas Internatio­nal 2019 Patch Magtanong, Miss Universe Philippine­s 2019 Gazini Ganados, Bb. Pilipinas Supranatio­nal 2019 Resham Saeed, Bb. Pilipinas Grand Internatio­nal 2019 Aya Abesamis, at last year’s Best in Talent Cassandra Chan.

Hosted naman ang event ni Bb. Pilipinas Interconti­nental 2019 Emma Tiglao at Youtube celebrity Prince de Guzman kasama ang Pilipinas Got Talent season 1 na si Markki Stroem.

Nakatakdan­g ianunsiyo ang winners ng Bb. Pilipinas 2020 talent competitio­n sa grand coronation ng Bb. Pilipinas 2020 beauty pageant sa Smart Araneta Coliseum, Araneta City sa Abril 26.

 ??  ?? \Bb. Pilipinas candidates
\Bb. Pilipinas candidates

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines