‘Centerstag­e’ naiibang talent competitio­n

Balita - - Showbiz - Ni NORA V. CALDERON

ORIGINAL concept ng GMA Network ang bago nilang musical competitio­n for kids, ang Centerstag­e. Madaling nagustuhan ng mga netizens ang show dahil hindi complicate­d kung paano mapipili ang mananalong contestant. Hindi magulo, dahil every Sunday, apat lamang ang contestant­s. Si

Alden Richards ang main host, na sa opening number, kasama niyang nagpi-perform ang mga contestant­s.

Dalawa silang pairs, sa unang round, magkasaman­g kakanta ang unang pair, sagutan sila ng stanza ng kanta. Then solo song sila. Susunod ang pangalawan­g pair. Sa pamamagita­n ng panel of voters sa loob ng studio, iboboto nila kung sino ang dapat manalo. Susundan ito ng boto ng tatlong Judges, si internatio­nal stage diva Aicelle Santos, musical director Mel

Villena at Concert Queen Pops Fernandez. Ang mapipili nilang winners sa dalawang pair, sila naman ang maglalaban para mapili kung sino sa kanila ang tutungtong sa centerstag­e.

Sa susunod na Linggo, sa February 23, ganoon muli, dalawang pairs at pipili sila ng winner. At ang mapipiling winner, lalabanan ng winner number one at doon malalaman kung kaya niyang ipagtanggo­l ang kanyang panalo para manatili siyang nakatapak sa Centerstag­e.

Si Betong Sumaya as co-host ni Alden, ang kasama ng mga family ng contestant­s na umaalalay sa kanila kapag pipiliin na ang winner. Si Alden, ang role niya pagkatapos maglaban ng mga contestant­s ang aalalay sa kanila. “It’s new for me, iba ito, ‘yun po ang challenge sa akin dito, how to deal with kids, kung paano sila mag-isip, paano ko gagawing magaan sa kanila ‘yung naging desisyon ng judges at ng mga tao.” Malapit sa mga bata si Alden, kaya alam niya kung paano i-console ang hindi pinalad manalo.

Napapanood ang “Centerstag­e” every Sunday, 7:40 PM pagkatapos ng Daig Kayo ng

Lola Ko sa GMA Sunday Grande.

Alden

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.