‘Parasite’ director Bong Joon-ho binigyan ng hero’s welcome

Balita - - Showbiz -

INCHEON (Reuters) – Sinalubong ng hiyawan at palapakan si Parasite director Bong Joon-ho sa pagbabalik niya sa South Korea nitong Linggo matapos ang makasaysay­ang four-Oscar win.

Nasa 300 300 reporters at fans ang matiyagang naghintay sa paglapag ni Joon-ho sa Incheon Internatio­nal Airport.

“Thank you for the applause, I would like send a round of applause back to you all for coping so well with the coronaviru­s,” tugon ni

Bong.

“I will join the effort to overcome the corona by washing my hands diligently. Happy to be home.”

Ang Parasite ang unang foreign-language film na nagwagi ng best picture sa 92-year history ng Academy Awards nitong Feb 9.

Tumanggap ito ng apat na Oscars, kabilang ang best director at original screenplay para kay Bong Joon-ho at best internatio­nal feature film.

Patungkol ang pelikula sa dalawang uri ng pamilya sa South Korea—ang mayaman na pamilya ng mga Park at mahirap na pamilya ng mga Kim—sinasalami­n ng pelikula ang lumalalim ng agwat ng katayuan sa buhay ng mayaman at mahirap sa Asia’s fourth-largest economy.

Ilang linggo nang nagdiriwan­g ang buong bansa dahil sa makasaysay­ang pagkapanal­o ng pelikula.

Habang muli namang bumalik sa mga sinehan ang Parasite, gayundin ang iba pang naunang pelikula ni Joon-ho, kabilang ang

Snowpierce­r at Memories of Murder.

Bong

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.