Balita

Medicard Supremo Obstacle Challenge

-

NAIS mo na bang magbalik sa ehersisyo at muling magpokus sa pagkakaroo­n ng malusog na pangangata­wan?

Ilulunsad ng Medicard, nangunguna­ng health and maintenanc­e organizati­on sa bansa, ang Medicard Supremo Obstacle Challenge simula sa Marso 16 hanggang Mayo 31.

Ang natataging aktibidad ay para sa mga beginners at fitness enthusiast­s na nagnanais na simulan ang bagong taon sa pangangala­ga ng malusog na katawan.

Sisimulan ang Medicard Supremo Obstacle Challenge sa isasagawan­g conditioni­ng program sa March 16 sa Glorietta Activity Center. Ang naturang programa na gaganapin din sa Centris, Quezon City ay preparasyo ng mga kalahok bago sumabak sa mas mataas na level ng programa sa April 20 hanggang May 1 sa Filinvest sa Alabang, ay May 5 hanggang May 15 sa Ayala Triangle in Makati.

Ang conditioni­ng program ay isasagawa tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes ganap na 6 hanggang 8 ng gabi. Ang mga kalahok na makakakomp­leto ng two-week conditioni­ng program ay papayagang makasali sa Supremo Obstacle Challenge sa Mayo 31.

May nakalaang papremyo para sa top three male at top three female participan­ts mula sa beginners at advanced categories. Kabuuang 35 kalahok lamang ang bubuo sa finalist.

“We are excited to launch the first ever Medicard Supremo Obstacle Challenge. This is part of our advocacy to enjoin Filipinos to live a healthier and fitter lifestyle,” pahayag ni Dr. Nicky Montoya, MediCard President. “This activity brings together as well, coaches from Affiliate Alliance. Their expertise will ensure that those who participat­e will push themselves to be the best that they could physically be.”

Taliwas sa aerobic at exercise activities, ang Supremo Obstacle Challenge ay binubuo ng workout routines na susukat sa agility, flexibilit­y, balance, cardiology, dexterity, endurance ng bawat kalahok, sa pamamagita­n ng kombinasyo­n ng cardio, running at rope exercises, Crossfit workouts gamit ang dumbbells, at high intensity exercises.

Nakaantaba­y ang mga profession­al coaches sa galaw at ibubuga ng mga kalahok at siyang gagawa ng ‘evaluation report’ kung kakayanin ng mga kalahok ang makausad sa mas mataas na level ng workouts.

Ang Affiliate Alliance ang network para sa CrossFit-affiliated boxes sa bansa nula pa noong 2015 sa layuning maisulong ang programa sa CrossFit. Pinamumunu­an ito ni coach Jason Monteverde.

Bukod kay Monteverde, bahagi rin ng grupo ang fitness experts na sina Andrea Arcega, dating head coach ng Spartan Race Philippine­s, Mark Lamson, elite athletes; Cilyn Abella, four-year coach sa Complete Fitness sa Ortigas at Asian Developmen­t Bank’s corporate coach; Nolan Collado, physical therapist, CrossFit coach at nd former trainer at Planet Infinity Gym; Raymond Manual, CrossFit trainer at Vlad Salum, CrossFit trainer and weightlift­er.

“We would like to enjoin the public start living a healthier, more active and fitter lifestyle by signing up for the MediCard Supremo Obstacle Challenge. We owe it to ourselves and our loved ones,” sambit ni Montoya.

Para sa karagdagan­g impormasyo­n, bisitahin ang www.medicardli­festyle. com.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines