Balita

San Juan Knights, angat sa Pasay

-

NAISALBA ni John Wilson ang kampanya ng North top seed San Juan-Go for Gold sa krusyal na opensa tungo sa 75-74 panalo laban sa No.8 Pasay nitong Sabado sa 2020 Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season Quarterfin­als sa FilOil Flying V Arena.

Naisalpak ni Wilsona ng threepoint­er para basagin ang 71-deadlock at ibigay sa Knights ang tatlong puntos na bentahe may 1:31 ang nalalabi sa laro.

Mula sa matikas na depensa, nakakuha ng foul si Jhonard Clarito at naisalpak ang isang free throw para selyuhan ang panalo ng San Juan. Naisalpak ni Pasay’s star player Ronnel Lastimosa ang three-pointer sa buzzer para sa final score.

“Number one yung defense, nakakuha kami ng mga turnovers doon kay [Jaypee] Belencion, yung mga forced shots nila plus yung hustle ng mga player talagang hindi gumive up,” pahayag ni San Juan head coach Randy Alcantara.

Naghabol ang Knights sa siyam na puntos bago pinangunah­an ang 12-0 run para maaagaw ng San Juan ang bentahe sa unang pagkakatao­n, 67-64.

Nanguna si Mike Ayonayon sa San Juan sa naiskor na 15 puntos, limang assists, at dalawang steals, habang kumana si Clarito ng 13 markers at siyam na boards.

Hataw sa Pasay si Axel Iñigo na may 24 puntos.

Nakaungos din ang Pampanga ADG Group of Companies laban sa 1Bataan-Camaya Coast, 71-64, para makuha ang 1-0 bentahe sa quarterfin­als series.

“We prepared yung skills namin. We were able to prepare defensivel­y. Maganda yung depensa namin nung first half pero medyo nagkaroon kami ng lapses sa schemes. Sabi ko nga, importante that we were still ahead and we just have to score,” pahayag ni Pampanga head coach Bong Ramos. Iskor:

San Juan (75) -- Ayonayon 15, Clarito 13, Rodriguez 11, Wilson 11, Estrella 8, Wamar 7, Isit 6, Aquino 4, Tajonera 0, Victoria 0, Pelayo 0, Reyes 0, Gabawan 0, Bunag 0.

Pasay (74) -- Inigo 24, Moradas 13, Belencion 11, Ilagan 9, Reverente 8, Lastimosa 3, Chan 2, Lasquety 2, Pasia 2, Opiso 0.

Quartersco­res: 13-24, 28-36, 53-60, 75-74.

Pampanga (71) -- Hernandez 18, Cervantes 13, Fabian 10, Juico 8, Cruz 8, Maiquez 5, Thompson 5, Apreku 2, Alberto 0, Enriquez 0, Concepcion 0, Baltazar 0.

1Bataan (64) -- Batino 19, Jumaoas 12, Juntilla 10, Villarias 9, Llanto 4, Nalos 4, Castro 3, Gozum 2, Jaime 1, Inigo 0, Bregondo 0, David 0.

Quartersco­res: 25-8, 48-23, 56-40, 71-64.

 ??  ?? NILUSUTAN ni Dhon Reverent e ng Pasay ang depensa ni Jhonard Clarito ng San Juan sa isang tagpo ng kanilang laro sa MPBL Lakan Cup quarterfin­als.
NILUSUTAN ni Dhon Reverent e ng Pasay ang depensa ni Jhonard Clarito ng San Juan sa isang tagpo ng kanilang laro sa MPBL Lakan Cup quarterfin­als.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines