Balita

Olympic slots, asam ng anak ni Samboy

- Annie Abad

MATAPOS ang matagumpay na laban niya sa nakaraang 30th Southeast Asian Games (SEAG) target naman ngayon ng nationaal karatekas na si Jamie Lim ang makakuha ng tiket para sa 2020 Tokyo Olympics.

Ayon sa 22-anyos na anak ng PBA Legend na si Samboy “The Skywalker” Lim na sa dami ng magagandan­g nangyari sa kanya noong nakaraang taon, ay ipapagpatu­loy lamang niya umano ang kanyang tamang gawi upang makakuha ng tiket para sa Olimpiyada.

“So grateful for SEAG and everything that has happened for the last five months. I graduated summa cumlaude. same attitude and same mindset. I’ll do it again for this Olympics naman po,” pahayag ni Lim.

Kabilang si Lim sa anim na mga karatekas na aalis patungong World Qualifier sa Paris France para sa karate ngayong darating na Mayo, upang makakuha ng slot para sa Tokyo Olympics na nakatakda sa Hulyo 24.

Kabilang sa mga makakasama ni Lim ay ang isa pang SEA Games gold medalist na si Junna Tsukii, Ivan

Agustin, Sharif Afif, Joan Orbon at si Alwyn Batican.

Kaya naman puspusan ang kanilang gagawing paghahanda para sa nasabing qualifier kung saan ay natakda silang sumabak sa training camp sa Turkey at Ukraine.

“I think we’ll leave for Ukraine and Turkey for the training camp and tournament. Higher level na po ito. I know it’s gonna be a very big competitio­n. I know it’s gonna be hard but we’ll stay focus,” ayon pa kay Lim.

Kumpiyansa­dinang anak ni Samboy Lim na malakas ang laban niya sa kanyang kategorya na plus 61kg kung kaya naman pipilitin niya umano na makakuha ng ginto sa qualifier upang makasikwat ng puwesto sa Tokyo Olympics.

“If i just work harder kaya naman po. We are just aiming to get the gold. I wouldn’t call it a pressure so I guess they are not expecting anything. It is just an oppurtunit­y,” ani Lim.

Ito ang unang pagkakatao­n na lalaruin angkarates­a-Olimpiyada at mapapabila­ng na din sa mga tinatawag na Olympic sports.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines