Balita

Gordon, naungusan ni Jones sa NBA All-Star Slam Dunk SILAT!

-

CHICAGO (AP) — Ipinagdiwa­ng ni Miami Heat forward Derrick Jones Jr. ang ika-23 taong kaarawan sa natatangin­g pagkakatao­n.

Bukod sa handaan, tiyak ang magarbong selebrasyo­n matapos angkinin ng sumisikat na Heat slasher ang All-Star Slam Dunk Contest laban sa beterano at matikas ding si Orlando Magic forward Aaron Gordon.

Kahanga-hanga ang kinalabasa­n ng duwelo na kinailanga­n ang dalawang tiebreaker jams para may tanghaling panalo.

Kapwa nakakuha ng perpektong 50 puntos sina Jones at Gordon sa kanilang final dunk. Sa dunk-off, kapwa nakuha rin nila ang tig-50 puntos.

Sa kanyang huling birada, lumundag sa foul line si Jones para sa windmill jam na kinompleto niya gamit ang kaliwang kamay, sapat para sa iskor na 48 mula sa limang hurado.

Matapos ang maigsing usapan kay Hall of Famer Shaquille O’Neal, inimbita ni Gordon ang 7-foot-5 Boston Celtics rookie na si Tacko Fall at pinatayo niya malapit sa basket. Kinuha niya angbola mula kay Fall para sa matinding dunk.

Dumagundon­g ang hiyawan at palakpakan ng fans sa United Center, habang nagdiriwan­g sa courtside ang ilang NBA stars. Ngunit, 47 puntos lamang ang ibinigay ng hurado kay Gordon.

Sa ikalawang pagkakatao­n, tila nalutong-makaw muli si Gordon. Noong 2016, matikas ding ang pakikihamo­k niya kay Zach LaVine, ngunit nabigo sa huli.

Nauna rito, ratsada si Sacramento Kings guard Buddy Hield sa krusyal na sandali para makamit ang NBA 3-Point Contest.

Naisalpak ni Hield ang two-point money ball sa corner para tumapos na may 27 puntos at isang puntos na bentahe kay Phoenix Suns All-Star Devin Booker.

 ?? AP ?? NAPABILIB ni Miami Heat’s Derrick Jones Jr. ang hurado sa kanyang kakaibang istilo sa NBA All-Star slam dunk contest nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa Chicago.
AP NAPABILIB ni Miami Heat’s Derrick Jones Jr. ang hurado sa kanyang kakaibang istilo sa NBA All-Star slam dunk contest nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa Chicago.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines