Olympic sports, asam ni Ramirez sa kabataan

Balita - - Sports - Annie Abad

KUNG si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch”Ramirez ang tatanungin, nais niya na makitang nakatuon ang pansin ng mga kabataang atleta sa mga sports na nilalaro sa Olimpiyada.

Nais ng PSC chief na ilagay sa 20 Olympics sports ang mga laro ng Philippine National Games (PNG) at ng Batang Pinoy, kung saan aniya, na sakaling ang isang sport ay hindi makapasok sa PNG, nais niya na mag-organisa ng isang national tournament ang mga lider ng national sports associatio­n (NSA) nito.

“Once (sports) don’t make it to the PNG, my advice to the leaders of the other sports is to organize a national tournament of their own,’’ ani Ramirez.

Sinabi ni Ramirez na may mga mga nsas na humihingi ng suportang pinansyal sa PSC, ngunit upang maaprubaha­n ang anumang hiling na pinansyal ng mga ito ay kailangan nilang maglagay ng direktiba at alituntuni­n bilang requiremen­t para sa nasabing suporta.

“There are now 64 sports that seek financial assistance from the PSC. We have to set the direction and put up strong policies for us to manage these requests efficientl­y,” ayon pa kay Ramirez.

Nilinaw ni Ramirez na uunahain ng ahensiya ang pagtupad sa tulong pinansyal ng mga atleta na sasabak sa Olimpiyada at sa mga kasalukuya­ng sumasabak sa mga qualifying tournament­s para sa naturang quadrennia­l meet.

Kasunod ang mga atleta na may nagpe- perform at hindi man sa Olympic sports, kasama ang mga atleta na sumasabak sa Asian at Southeast Asian games.

Sa kasalukuya­n ay wala pang linaw kung itutuloy ang PNG at Batang Pinoy, gayung may banta pa rin ng Corona Virus, ito ay upang masiguro na rin ang kaligtasan ng mga batang atketa na sumasabak sa nasabing taunang kompetisyo­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.