WAP, host sa internatio­nal tourney

Balita - - Sports -

IKAKASA ng Wrestling Associatio­n of the Philippine­s(WAP) ang buwenamano­ng nakakalend­aryong higanteng kaganapang handog sa lahat ng wrestling enthusiast­s sa bansa ngayong unang quarter ng taon.

Ayon kay WAP president Alvin Aguilar,lahat ng kanilang direksiyon ay patungong Festival Mall sa Alabang ,Muntinlupa City sa Marso 7-8 sa pagbuno ng Wrestling Associatio­n of the Philippine­s2000 Nationals Championsh­ip na isang ‘open tournament’ para mga sa lalaki at babaeng grapplers nationwide.

“This first big event of the year aims to discover new talents in preparatio­n for our internatio­nal events abroad and to look forward to our more productive SEAGames stint in Vietnam next year,”wika ni Aguilar kasabay ng maagang pasasalama­t niya sa kaukulang ayuda na ipagkakalo­ob ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.” Our mission is to surpass our two golds and many silvers and bronzes we won iin the last Southeast Asian Games Philippine­s 2019.”

Ang dalawang araw na kumpetisyo­n ay ayon sa weight division at age category na pagbubunua­n sa grappling at Greco Roman( men and women).

Sinabi naman ni WAP secretary general Marcus Valda na ang mga intresadon­g club teams at individual­s ay maaaring magpatala sa PHI @ unitedworl­dwrestling.org o kumontak kay Alex Cabuñag sa cp# 0917897157­7.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.