Japan at Indonesia, kampeon sa Asia Badminton

Balita - - Sports -

NAPANATILI ng defen¬ding women’s champion Japan ang titulo matapos bokyain ang South Korea, 3-0, habang namayagpag ang Indonesia samen’s divisin ng 2020 SMART Badminton Asia Manila Team Championsh­ips nitong Linggo sa Rizal Memorial Coliseum.

Naisalba ni dating world No. 1 Akane Yamaguchi ng Japan ang tatlong match points tungo sa 21-18, 19-21, 23-21, come-from-behind panalo kontra sa Koreanong si An Se Young na umabot ang laban ng mahigit isang oras at 23 segundo sa unang singles match.

Hinabol ni Yamaguchi ang 1620 deficit para itakas ang malaking panalo na nagbigay karagdagan­g tiwala sa kanyang teammates na sina Yuki Fukushima at Sayaka Hirota na nagwagi sa doubles match laban kina Lee So Hee at Shin Seung Chan, 2116, 21-16.

Tangan ang 2-0 bentahe, lalong tumibay si Sayaka Takahashi para pataubin ang Korean No. 2 na si Sung Ji Hyun, 21-16, 21-12, sa ikalawang singles match para muling iuwi ang women’s title sa ikalawang sunod na pagkakatao­n.

“I was very confident that we could be cham¬pions with this team. I’m happy that we became champions. It was a good experience for the next ones to come,” pahayag ni Takahashi na kasama rin sa Japanese team na nagkampeon noong 2018.

Tinalo rin ng Japan sa pangunguna ni Yamaguchi ang China, 3-0, noong 2018 na ginanap sa Stadium Sultan Abdul Halim ng Alor Setar, Malaysia.

Kasama rin sa back-to-back champion Japan women’s team sina Aya Ohori, Riko Gunji, Mayu Matsumoto, Nami Matsuyama, Wakana Nagahara at Chiharu Shida.

Nakopo naman ng Malaysia at Thailand ang bronze medals sa anim na araw na kumpetisyo­n na unang ginanap dito sa Pilipinas.

Dahil dinomina nila ang Asian Team championsh­ips, aabante ang Japan at South Korea kasama ang Malaysia at Thailand sa 2020 Uber Cup nga¬yong Mayo 16-24 sa Aarhus, Denmark.

Pinangunah­an ni Mohammad Ahsan at Fajar Alfian ang Indonesia sa ikatlong sunod na continenta­l tiutle laban sa karibal na Malaysia, 3-1 sa torneo na itinataguy­od ng SMART Communicat­ions Inc., MVP Sports Foundation, Leisure and Resorts World Corporatio­n, Cignal, at TV5.

IMPRESIBO ang galaw at tikas ng Japanese women’s squad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.