Balita

SHAME CAMPAIGN, BANTA NI DUTERTE

- Ni GENALYN D. KABILING

Laban sa corrupt officials

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na gagamitan nito ng ipapahiya nito sa publiko ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno para na rin sa kapakanan ng publiko at pondo ng bayan.

Ito ang inihayag ng Pangulo nang dumalo sa inagurasyo­n ng bagong Sangley airport sa Cavite nitong Sabado ng gabi.

“I tiptoe in the path of the presidency. You know why? Kasi ako ‘pag bumira ng corrupt talagang bibirahin kita. and I will humiliate and I will shame you and I will not give you that pleasure of getting back at me,” pagdidiin ni Duterte.

Paliwanag nito, wala siyang patatawari­n laban sa mga tiwaling sa pamahalaan at sinabi pa na hindi ito mag-aalangang mananpal at sumipa sa sinumang naninilbih­an sa publiko.

Binanggit ni Duterte, isa sa kanyang pangako nooong panahon ng kampanya sa halalan na labanan nito ang korapsyon sa gobyerno.

“Believe me --- men in government. T*** i** hihiritan talaga kita. Alam ninyo sinasampal ko kayo. Alam ninyo sinisipa ko kayo sa harap ng mga secretarie­s. Do not try to tempt the gods of the Cabinet, hindi ako. Huwag ninyong talagang gawain ‘yun. You will not only lose your business, you will lose your --- not only your pants, but your entire…” sabi nito.

Aniya, bilang bahagi ng kanyang anti-corruption drive, mahigpit niyang ipinagbaba­wal ang government transactio­ns sa kanyang tanggapan at sa halip ay ipinauubay­a niya ito sa mga miyembro ng kanyang Gabinete upang humawak sa usapin.

“No transactio­n of government involving money, dollars, or pesos or whatever would ever pass my desk in the office or in the --- my bedroom, sa study table ko,” aniya.

Nilinaw nito, binibigyan niya ng panahon ang mga Cabinet member nito upang magpatupad ng mga proyekto at kapag pumalpak ay mananagot ang mga ito.

“Sinabi ko diyan sa Cabinet. Mabuti’t ‘yan malaman ninyo. Sabi ko talaga ayaw ko. Sonny, kay Tugade, it’s your project. Do it. If you fail, you answer to me. It begins and ends in your desk. Do not bother,” pahayag ng Pangulo.

Matatandaa­ng sinibak ni Pangulo angilang government official dahil sa korapsyon at iba pang iregularid­ad.

Muli rin itong nagbabala sa mga opisyal ng pamahalaan na maglingkod ng tapat at itigil ang katiwalian.

“As government workers, we are duty bound to uphold the Constituti­on, aid in the administra­tion of justice, serve selflessly and promote transparen­cy and good governance,” paglalahad ng punong ehekutibo.

Kamakailan, binatikos ni Duterte ang dalawang Metro Manila water concession­aires dahil sa umano’y “onerous contracts”ng mga ito sa pamahalan.

 ?? JANSEN ROMERO ?? IRITADO?
Nagtatalum­pati si Pangulong Rodrigo Duterte nang dumalo sa inagurasyo­n ng bagong Sangley Airport sa Cavite, nitong Sabado.
JANSEN ROMERO IRITADO? Nagtatalum­pati si Pangulong Rodrigo Duterte nang dumalo sa inagurasyo­n ng bagong Sangley Airport sa Cavite, nitong Sabado.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines