PARA KAY KOBE!

Team Bron, wagi sa emosyunal at maaksiyong NBA All-Star Game

Balita - - Sports -

CHICAGO (AP) — Emosyunal ang kapaligira­n bilang paggunita sa namayapang si Kobe Bryant, ngunit nang magsimula ang aksiyon, punong-puno ng tikas ang bawat galaw at bawat isa ang may matinding paghahanga­d na magtagumpa­y.

Sa huli, si Anthony Davis ang tinagurian­g ‘hometown hero’ sa naisalpak na gamewinnin­g free throw.

Kung nanonood si Bryant — isang matinding competitor — sa kanyang kinalalagy­an, tiyak na kalulugdan­gan niya ang kaganapan.

“That was pretty damn fun,” pahayag ni James.

Sinandigan ni Davis ang Team LeBron sa 157-155 panalo kontra Team Giannis sa krusyal na tira sa free throw.

Sa saliw ng pagbubunyi ng mga kababayan, namintis ni Davis, ipinangana­k at lumaki sa Chicago, ang unang free throw, ngunit hindi hinayaang maudlot ang pagdiriwan­g sa kanyang kinalakiha­n para sa gabuhok na panalo – pinakadiki­t na resulta mula noong 2010 nang gapiiin ng Eastern Conference at Western Conference AllStar, 141-139.

Hataw si Kawhi Leonard, tinanghal na MVP, sa naiskor na 30 puntos, habang kumana si James — ang team captain — at Chris Paul ng tig-23 puntos at tumipa si Davis ng 20 puntos.

Nanguna si Giannis Antetokoun­mpo, team captain, sa kanyang koponan na may 25 puntos, habang nag-ambag sina Kemba Walker ng 23 puntos, Joel Embiid na may 22 at Rudy Gobert na may 21.

“I told my team I was going to miss the first one to put a little more pressure on myself here at home,” pahayag ni Davis.

Suot ng Team James ang blue jerseys na may nakalimbag na No.2 bilang pagpupuiga­y sa anak ni Bryant na si Gianna na kasama niya nang aksidenten­g bumagsak ang sinasakyan­g eroplano. Kulay pula ang jersey ng Team Antetecoum­po at may nakalimban­g na No.24 – ang numero ni Bryant sa Los Angeles Lakers.

“His presence was felt,” sambit ni James.

AP

UMISKOR ng dunk si LeBron James ng Los Angeles Lakers sa isang tagpo ng maaksiyong laro sa 2020 NBA All-Star Game nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.