Misis kinatay ni mister

Balita - - Front Page - Glazyl Masculino

Isang pag-amin tungkol sa identidad ng kanilang bunsong anak ang nagtulak sa isang mister na tagain ang misis nito sa loob ng kanilang bahay sa Negros Occidental.

Binawian ng buhay ang biktima na si Alona Hebong, 30, dahil sa tinamong mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Lumalabas sa imbestigas­yon ng pulisya na nagtatalo ang biktima at asawa na nito na si Rengie, 33, nitong Sabado, dahil umano sa relasyon ng misis sa ibang lalaki.

Inamin umano ng biktima sa kanyang asawa na hindi nito anak ang kanilang bunso.

Sa panayam ng media, inamin ng suspek na galit ang nagtulak sa kanya para atakihin ang kanyang misis gamit ang isang bolo.

Sumuko naman si Rengie sa mga miyembro ng Barangay Peacekeepi­ng Action Team (BPAT) na kalaunan ay isinuko sa pulisya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.