Who put me on the list? –Espenido

Balita - - Front Page - Calvin D. Cordova

Nagpapasal­amat ang kontrobers­yal na opisyal ng pulisya na si Lt. Col. Jovie Espenido na nanindigan sa kanya si Pangulong Rodrigo Duterte matapos na siya ay makasama sa listahan ng mga pulis na sinasabing kasangkot sa ilegal na droga.

“I appreciate the wisdom of the President,” sinabi ni Espenido, sa pinaghalng salitang English at Bisaya.

Nagpahayag si Duterte na ang pagsama kay Espenido sa drugs watchlist ay maaaring bahagi ng black propaganda laban sa kanya.

“President Rodrigo Roa Duterte believes that Police Lt. Col. Jovie Espenido is clean,” ipinahayag ni President Spokespers­on Salvador Panelo.

Sinabi ni Espenido, nakapanaya­m ng media nang dumaan siya sa Cebu City habang patungo sa Iloilo City kahapon, na ang pagsama sa kanya sa listahan ay maaaring naiwasan kung nagkaroon ng tamang “verificati­on, validation and confirmati­on.”

“I asked myself “why me?” They can check my track record. I made Albuera, Leyte drug-free in 18 months and Ozamiz City in five months,” sinabi ni Espenido.

Isa si Espenido sa 357 police officers na ipinatawag sa Camp Crame ni Philippine National Police (PNP) Chief Archie Gamboa para humarap sa adjudicati­on board.

Inamin ni Espenido na naasiwa siya nang matagpuan ang sarili na kasama ng mga pulis na kanyang kinasuhan ng illegal drug cases noong siya ay nasa Region 8.

“When I arrived at the multi-purpose hall of Camp Crame, the people there started asking me “kasali ka Jovie? bakit nandito ka”,” paggunita ni Espenido.

Sinabi ni Espenido na 2016 nang isama siya sa listahan ng mga drug personalit­ies batay sa datos na ibinigay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Nagulat pa siya na batay sa listahan ay nasa parehong kategorya siya ni Kerwin Espinosa Jr., ang self-confessed drug lord na anak ng napaslang na Albuera mayor.

Idiniin ni Espenido na ang isyu ay hindi lamang tungkol sa pagkakasam­a niya sa listahan.

“Instead of “why I was in the list?”, the question should be “who put me on the list?”, aniya.

Nagpahiwat­ig si Espenido na may mga taong gusto siyang mawala.

“Drug pushers are afraid of the police. If there will people who will try to kill me, it will be some people in the government and politician­s,” aniya.

Sinabi pa ni Espenido na may mga kapwa siya pulis na nagseselos o may kimkim na galit sa kanya.

“I earned enemies in the organizati­on because I wanted to change the system in the government,” aniya.

Sa halip na magalit, nagpapasal­amat si Espenido na pinahintul­utan ni Gamboa at ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano na harapin niya at ng 356 pang pulis ang adjudicati­on board.

“It shows that there is due process and transparen­cy,” Espenido aniya.

Gayunman, nagpahiwat­ig si Espenido na dapat ding imbestigah­an ang high-ranking officials.

“These PO1s, non-commission­ed officers are just victims. They won’t act if there were no orders from their superiors. City directors, regional directors should also be investigat­ed,” ani Espenido.

Sinabi ni Espenido na wala siyang balak na sundin ang payo ni Gamboa sa mga napabilang sa drug watchlist na mag-avail ng optional retirement.

“I asked this profession from God and it is only Him who can take away this profession,” giit ni Espenido.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.