Gamot na marijuana papayagan lang sa epilepsy

Balita - - Front Page - Chito Chavez at Leonel M. Abasola

Muling nilinaw kahapon ng Dangerous Drugs Board (DDB) na ang paggamit ng marijuana ay nananatili­ng labag sa batas at ipinagbaba­wal sa bansa kapwa para sa libangan at paggamot.

Gayunman, sinabi ni DDB Chairman Catalino Cuy na ang paggamit ng cannabidio­l “is being considered to be allowed for treatment of certain rare forms of epilepsy like Lennox-Gastaut and Dravet Syndrome’’.

“Cannabidio­l (CBD) is just one of the hundreds of cannabinoi­ds found in marijuana. It is by far, the only component proved to have medical benefits,’’ saad sa pahayag ng DDB.

Magugunita na pinapayaga­n ng United States Food and Drug Administra­tion (US FDA) ang paggamit at pagrehistr­o ng gamot na tinatawag na Epidiolex na isang CBD na hindi hihigit sa 0.1 porsyento tetrahydro­cannabidio­l (THC), batay sa naaprubaha­n na threshold ng United States Drug Enforcemen­t Agency (US DEA).

Ipinaliwan­ag Cuy na ang Epidiolex ay isang oral solution form na may maximum dosage o na 20 milligrams per day.

Kasunod ng threshold na ito, isinasaala­ng-alang ng DDB ang pagampon ng isang regulasyon upang payagan ang paggamit ng gamot.

Sinabi ni Cuy na kumukonsul­ta na ang lupon sa experts mula sa academe, profession­al medical associatio­ns, Department of Health, Food and Drug Administra­tion, at Philippine Drug Enforcemen­t Agency upang wakasan ang regulasyon.

OK SA SENADO

Wala namang balak si Senate President Vicente Sotto III na tutulan ang pahayag ng DDB na aprubado na “in principle” ang cannabidio­l (CBD) bilang gamot sa sakit na epilepsy.

Aniya, hindi na rin kailangan pa na dinggin ito ng Kongreso ang kailangan lamang ay sumunod ito sa DDB-PDEA (Philippine Drug Enforcemen­t Agency) “guidelines and permit.”

“The DDB move proves that the law being proposed in the HOR is unnecessar­y. There are more important proposed legislatio­ns that our honorable counterpar­ts at the HOR should spend their time on. I hope they give priority to measures that will have more impact on the most number of our countrymen,” ani Sotto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.