Legacy projects ni Digong, kukumpletu­hin

Balita - - Balita - Bert de Guzman

Tinalakay ng bagong likhang House Special Committee on Flagship Programs and Projects sa ilalim ni Rep. Carlos Cojuangco (1st District, Tarlac) nitong Lunes ang kalagayan ng mga tukoy at aprubadong 100 infrastruc­ture projects ng Build, Build, Build Program ng administra­syong Duterte.

Inilatag ni Presidenti­al Adviser for Flagship Programs at Projects Vivencio “Vince” Dizon sa mga kongresist­a na kasapi ng komite ang mga proyekto na nagkakahal­aga ng P4.4-trillion, na sisikaping makumpleto sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang sa mga proyekto ang NLEX Harbor Link Segment 10, Laguna Lake Highway, TPLEx - Pozurrubio, Bohol-Panglao Internatio­nal Airport, at ang Communicat­ions, Navigation and Surveillan­ce Systems for Air Traffic Management.

Ang mga proyekto na inaasahang matapos sa taong ito ay ang NAIA Terminal 2 Rehabilita­tion, Bicol Internatio­nal Airport, LRT-2 East Extension, Metro Manila Skyway Stage 3, at Angat Water Transmissi­on Improvemen­t Project (AWTIP).

Samantala, ang MRT-3 Rehabilita­tion Program, MRT-7, MRTLRT Unified Grand Central Station ay inaasahang matatapos din at mag-ooperate sa 2021.

Ang tinatawag na “Big Ticket” Legacy Projects ng Duterte administra­tion ay kinabibila­ngan ng Panay-Guimaras-Negros Bridge, Bataan-Cavite Link Bridge, Metro Manila Subway, Mindanao Railway, Philippine Identifica­tion System at ang Kaliwa Dam Project.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.