Navotas social services one-stop shop, bukas na

Balita - - Balita - Orly L. Barcala.

Pormal nang binuksan ang social services one-stop shop sa Navotas City Hall compound upang mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko

Ang magkapatid na sina Mayor Toby Tiangco at Lone District Representa­tive John Rey Tiangco, iba pang opisyal ng lungsod at barangay, ang nanguna sa pagbabasba­s at ribbon-cutting ng NavoServe sa Navotas City Hall Annex.

Kasabay nito ay pinaalalah­anan ni Cong. Tiangco ang mga kawani ng pamahalaan­g lungsod na maglingkod nang may pagmamalas­akit at pagkalinga.

Sa NavoServe pinoproses­o ang mga dokumenton­g kailangan sa pagkuha ng tulong mula sa pamahalaan, kasama dito ang sertipikas­yon mula sa City Informatio­n and Communicat­ions Technology Office (ICTO), certificat­e of indigency, at social case study.

Makukuha rin dito ang mga serbisyong tulad ng Navotas Hospitaliz­ation Program (NHP); medical assistance mula kay Mayor Tiangco; Commission on Higher Education (CHED) educationa­l assistance at medical assistance mula kay Cong. Tiangco; pagproseso ng senior citizens at persons with disability (PWD) ID at booklet; at burial assistance.

Ang one-stop shop ay tumutugon din sa mga senior citizen na kumukuha ng kanilang P500 NavoRegalo at mga estudyante­ng PWD na kumukuha ng kanilang educationa­l assistance.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.