Barangay kagawad, patay sa pananamban­g

Balita - - Balita - Fer Taboy at Malu Cadelina Manar

Hinihinala­ng gun-for-hire ang nasa likod ng pananamban­g sa isang barangay kagawad sa sa Kidapawan City,North Cotabato, iniulat ng pulisya kahapon.

Dead on the spot ang biktima na kinilalang si Nasbullah Manibpel, 49, may asawa at kagawad ng Barangay Nuangan, Kidapawan City.

Sa ulat ni Police Lt.Col.Ramel Hojilla, hepe ng Kidapawan City Police Office (KCPO), papauwi na umano ang biktima sa barangay hall sa Purok 1 Bgy. Nuangan, sa naturang lungsod nang maganap ang pananamban­g.

Ayon kay Hojila, minamaneho ni Manibpel ang kanyang motorsiklo pauwi sa kanilang tahanan nang bigla na lamang itong paputukan sa tiyan nito.

Tumakas umano ang suspek patungo sa hilagang bahagi ng barangat sakay ng isang motorsiklo na ipinarada ilang metro ang layo sa crime site.

Bagamat ilang residente umano ang nakasaksi sa krimen, wala namang makapagtur­o sa indentidad ng suspek.

Ayon naman sa kaanak ng biktima, bago ang insidente ang nakatatang­gap na si Manibpel ng banta mula sa ‘di kilalang tao.

Tumanggi naman si Hojilla na ibahagi kung saan nanggaling ang mga death threat at ang posibleng motibo sa krimen.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigas­yon ng pulisya sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.