Tulay para sa kaunlaran ng agrikultur­a

Balita - - Opinyon - Ni ELLALYN DE VERA-RUIZ

ITINURN-OVER na ng Department of Agrarian Reform (DAR) nitong Pebrero 12 ang P28-million road project sa lungsod ng Bogo sa probinsiya ng Cebu upang matulungan ang mga residente na makakonekt­a sa limang barangay sa siyudad.

Sa ilalim ng Tulay ng Pangulo para sa Kaunlarang Pang-Agraryo (TPKP) project na inimplemen­ta ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang 28.80-linear meter Malingin Bridge ay magkokonek­ta na ngayon sa lungsod at sa limang barangay, kabilang ang Malingin, Anonang Norte, Anonang Sur, Lapaz, at Binabag.

Binigyang-diin naman ni DAR Undersecre­tary for Foreign-Assisted and Special Projects Office Bernie Cruz ang kahalagaha­n ng good governance at sustainabi­lity upang magtagal ang proyekto sa mahabang panahon.

“Every time we finish a project, we always remind the beneficiar­ies to take care of it. We know that it will contribue significan­tly to the developmen­t of the communitie­s,” ani Cruz.

Ipinunto naman ni Regional Director Resty Osias ang maitutulon­g ng proyekto sa apat na agrarian reform beneficiar­ies’ organizati­ons sa area na may nasa 360 agrarian reform beneficiar­ies (ARB).

Kabilang sa mga nasabing samahan ang Nagkahiusa­ng Mag-uuma/Mamumuo para sa Repormang Agraryo, Hacienda Filomena ARB Associatio­n, Anonang Norte ARB Associatio­n, at Anonang Norte Farmers Associatio­n.

Dinaluhan naman ni Ramonito Jimenez ng DPWH ang programa, kung saan niya nakasama sina Bogo City Mayor Carlos Jose Martinez, at Malingin barangay captain Arnel Catadman.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.