Ubas at espada, malaking bahagi ng kuwento sa ‘Untrue’

Balita - - Showbiz Atb - Reggee Bonoan

‘UBAS o Espada?’ ito ang naging running joke ng lahat pagkatapos mapanood ang pelikulang Untrue sa ginanap na premiere night sa Ortigas Cinema 1 and 2, Estancia Mall, Meralco Avenue, Pasig City nitong Lunes ng gabi na dinaluhan ng mga bidang sina Cristine Reyes, Xian Lim at ng direktor ng pelikula na si Sigrid Andrea Bernardo.

May eksena kasi sa pelikula na ipinaliwan­ag ni Xian (Joachim) kay Cristine (mara) kung bakit ubas at espada ang hawak ng estatwang si Kartlis Deda na matatagpua­n sa Tbilisi na base sa Wikipedia ay itinayo ito sa tuktok ng Sololaki hill noong 1958 kasabay sa selebrasyo­n ng bansa sa kanilang ika1500th anniversar­y.

At kaya ubas ang hawak sa kaliwang kamay ay para pakainin ang lahat ng papasok sa bansa nila at espada naman sa kanang kamay para protektaha­n ang bansa sa mga kalaban o kaaway.

Ubas ang pinili ni Mara nang tanungin siya ni Joachim kung ano ang pipiliin niya sa dalawa kasi hindi naman siya kaaway. At sa eksenang ito na niyaya ng binata na magpakasal sila ng dalaga na nangyari naman pagkalipas ng tatlong buwang relasyon.

Pero mahalaga rin ang espada sa kuwento kaya panoorin ito ngayong araw, Pebrero 19 nationwide at produce ito ng Viva Films.

Sa mediacon nina Xian at Cristine at sa solo presscon ni direk Sigrid ay iisa ang tanong kung bakit sa bansang Georgia ang entire location ng pelikula, tanging sagot ng tatlo, “kasi bagay ang kuwento ng Untrue sa Georgia.”

Oo nga, bagay na bagay at hindi nalalayo ang itsura nina Joachim at Mara sa mga taga-Georgia at pasok din sa kuwento na winter ito kinunan dahil malaking bahagi rin ang alak dahil kasama ang nasabing bansa sa may best vineyard sa buong Europa.

Anyway, ‘he said, she said’ ang gist ng pelikula, pero kakaiba ang twist at ang ganda ng buong pelikula, mahusay talagang storytelle­r si direk Sigrid na siya ring nagsulat ng script, walang butas pati ang pinaka-maliit na detalye ay naipaliwan­ag niya, hindi katulad ng ibang pelikula nap ag-iisipin ka o iniligaw ka.

Pero may mga ibang manonood din na gusto ang nag-iisip at naliligaw sila sa kuwento ng pelikula kaya nae-enjoy nila ang ganu’n, pero sa kaso namin ay hindi kaya gustung-gusto namin lahat ng pelikula ni direk Sigrid dahil paglabas namin ng sinehan ay may sago tang lahat ng tanong namin.

Sa huling panayam namin sa direktor ay tinanong namin kung inspired by true events ito para magkaroon siya ng ideya, wala naman daw at naisip lang niyang magsulat ng kakaibang kuwento na sa tingin niya ay wala pang Filipino movie na nakagawa na nito, psycho-thriller genre.

Meron kaming napanood na pelikulang pareho ang genre, ang pelikulang Silong (2015) nina Piolo Pascual, Guji Lorenzana at Rhian Ramos na idinirek nina Jeffrey Hidalgo at Roy Sevilla Ho. Isa ito sa pinakamaga­ndang pelikula ni PJ. Sana natatandaa­n pa ito ng lahat, hindi kasi maganda ang resulta sa box office.

Going back to Untrue, ang gagaling umarte ng mga bida! Kaya naman pala sobrang proud ang direktora kay Xian dahil ito ang best movie/role niya sa tagal niya sa showbiz at hindi na kinukuwest­iyon ang acting ability ni Cristine, noon pa man hanga na kami sa kanya maski noong nagsisimul­a palang siya. At hindi kumpleto ang pelikula kung wala si Rhen Escano, unang pelikula niya ito bago ang Adan, pero kinakitaan na ng husay talaga, puring-puri siya ng lahat dahil mabait, masunurin at magaling, more movies para sa baguhang aktres na ito.

At higit sa lahat, ang angas mo direk Sigrid, iba ka rin, eh. Sa bawa’t eksena sa pelikula ay iniisip namin kung nakakailan­g takes ka dahil pati ang maliliit na basag na plato ay kailangan kunan, lalo na ang pagwawala nina Mara at Joachim. Susme, kaya naman pala mas lalong ‘nabaliw’ ang dalawang artista mo sa Untrue, ang sadista mong direktor, ha, ha, ha. Pero mas baliw ka kina Xian at Cristine, sabi mo, di ba, direk?

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.