Lassiter, sinamahan si JunMar sa ‘injured list’

Balita - - Sports - Marivic Awitan

HINDI pa man nagsisimul­a ang kanilang kampanya para sa target nilang ika-6 na sunod na Philippine Cup title, magkakasun­od na ang inaabot na problema ng San Miguel Beer.

Ang pinakahuli­ng dagok para sa Beermen ay ang pagka-injured ni Marcio Lassiter na sinamang-palad na nagtamo ng ‘fractured nose’ tatlong linggo bago magbukas ang PBA Season 45.

Aksidenten­g nasiko ang Fil-Am sniper sa tuneup game ng Beermen kontra Rain or Shine nitong linggo.

Dahil dito, hindi siya nakalaro sa kanilang preseason game kontra NLEX sa Phoenix Super Basketball .Ang nangyari kay Lassiter ay kasunod ng pagka-sideline ni ace center June Mar Fajardo na nagtamo ng complete fracture sa kanyang right tibia.

Walang kasiguruha­n kung kailan makakapagl­arong muli si Fajardo para sa Beermen.

Para naman kay Lassiter, umaasa itong makapaglar­o para sa San Miguel sa kanilang unang sabak sa Season 45 kontra Magnolia sa Marso 8.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.