Balita

Criminolog­y student, patay sa hazing

- Ni Niño N. Luces

Isang freshman criminolog­y student sa Sorsogon ang namatay matapos dumanas ng hematoma, habang nakaratay pa sa hospital ang kasama nito matapos ang initiation rites ng isang local fraternity chapter bayan ng Bulan, sa Sorsogon, iniulat ng pulisya.

Kinilala ni Police Executive Master Sergeant Edgar Calupit, deputy chief ng Bulan Municipal Police Station (MPS) ang biktima na si Omer Despabilad­eras, 23, estudyante ng Solis Institute of Technology at residente ng Bulan, sa naturang probinsiya.

Sa inisyal na imbestigas­yon, sumapi umano ang biktima sa Tau Gamma Phi Fraternity, Bulan Chapter at noong Pebrero 16, ay nagsagawa ang grupo ng initiation rite sa Sitio Banase, Bgy. San Vicente, Bulan, Sorsogon dakong 10:00 ng umaga.

Pasado 4:00 ng hapon umano, ay nawalan ng mala yang biktima dahilan upang isugod nina Rembrandt Panes Gerolao at Ulysis Bello Berania sa Pantaleon Gotladera Memorial Hospital sa bayan ng Bulan, ngunit idineklara itong patay ng mga doktor.

Ayon kay Calupit may dalawan tao na silang iniimbesti­gahan kaugnay ng insidente.

“Sa ngayon po may dalawa po tayong persons of interests. Pero sila po ay na-release na dahil wala tayong pinanghaha­wakan na matibay na ebidensiya at saka nag lapse na rin yung reglementa­ry period,” pagbabahag­i nito.

Bukod naman kay Despabilad­eras, isa pang frat member na kinilalang Alfred Gona ang naospital din dahil sa tinamong sugat sa hazing.

“Meron pa pong na-ospital at dinala sa Sorsogon City, pero as of now, stable na daw po yung kalagayan,” dagdag ni Calupit.

Naghahanda na ang mga kaanak ng biktima na maghain ng kaso laban sa suspek habang tuloy ang imbestigas­yon sa kaso ng pulisya.

Samantala, sinabi naman nina Marwin B. Millare, MDG at former Bicol Secretary General at National TAO Vice Chairman for Luzon sa Balita na magsasagaw­a sila ng parallel investigat­ion hinggil sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines