Julia, ‘darna’ ni Angel

Balita - - Front Page - Ni REGGEE BONOAN

MAKAHULUGA­N ang komento ni Angel

Locsin na ‘My Darna’ nang mag-post si Julia Montes ng trailer ng TV series na 24/7 na magsisimul­a na sa Pebrero 23, Linggo handog ng Dreamscape Entertainm­ent.

Pagkalipas nang dalawang oras ay sumagot si Julia kay Angel ng, “love you ate.”

Ang intindi namin kaya ‘darna’ ang tawag ni Angel kay Julia ay dahil sa karakter nito bilang si Mia Agbayani na ginagampan­an ang role na lady guard sa hospital kung saan dinala ang lahat ng tinamaan ng virus at nagkaroon ng gulo at isa ang anak nila ni Joross Gamboa sa tinamaan ng sakit.

At bilang lady guard ay tungkulin ni Julia na panatilihi­n ang kapayapaan ng mga taong nagkakagul­o sa loob ng ospital at nakitulong na rin dahil kulang sila sa tao. Pero bilang ina na ay nakagawa siya ng bagay na ipinagbaba­wal at dito masusubok kung ano ang kaya niyang gawin para sa responsibi­lidad niya bilang ina at bilang trabahador.

Pero sa netizens ay iba ang naisip nila kung bakit tinawag na my darna ni Angel si Julia, ang tisay na aktres kaya ang bet niyang gumanap na Darna sa pelikula ng iwan din ito ni Liza Soberano?

Baka nga! Kaso nu’ng kainitan ng pilian ng gaganap na Darna ay saka naman nawala sa eksena si Julia, nag lie low siya kaya humanap ng iba ang Star Cinema/ABS-CBN at si Jane de Leon nga ang napili.

Bale ba si Paulo Avelino ang sinasabing leading man niya, hindi ba masyadong bata si Jane sa aktor? Sabagay, hindi naman sa binata naka-focus ang kuwento ni Darna.

Going back to Julia ay wala kaming alam o natandaang tinanong siya kung gusto niyang maging Darna. Malalaman ito sa mediacon ng 24/7, ‘yan ay kung magkakaroo­n dahil baka kasi iiwas muna ang aktres sa media para hindi siya matanong kung bakit siya nawala ng almost two years sa showbiz.

Anyway, ang mga makakasama ni Julia sa 24/7 ay sina Arjo Atayde, Denise Laurel, JC Santos, Anna Luna, Joross, Melissa Ricks, Pepe Herrera, Paeng Sudayan, Eric Fructuoso, Benj Manalo, Patrick Sugui, Joem Bascon, Alora Sasam, Pen Medina, Amy Austria, Meryll Soriano, McCoy De Leon, Matt Evans at Edu Manzano mula sa direksyon nina Emmanuel Q. Palo at Darnel Villaflor.

Julia

Angel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.