VFA sa ‘Pinas, itinanggi ng Russian ambassador
Mariing itinanggi ng Russian Embassy sa Manila na ang pagtawag at pakipagpulong ni Russian Ambassador Igor Khovaev sa bagong upo na si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Filemon Santos Jr. nitong Lunes ay may kinalaman sa pagtatapos ng Visiting Forces Agreement (VFA).
Ayon kay Russian Embassy Press Secretary Natalia Linovitskaya, ang pagpupulong nina Khovaev at Santos ay bahagi ng pagpapatupad ng mga kasunduan na nilagdaan ng Pilipinas at Russia sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Moscow noong nakaraang taon.
“We are just doing our work on the way to develop bilateral cooperation between our nations, including military cooperation. And the courtesy call by the Russian Ambassador on the AFP Chief F. Santos has nothing to do with the known recent event in US-Philippine cooperation,” sinabi ni Linovitskaya sa isang pahayag Sa pulong, sinabi ni Linovitskaya na ang dalawang opisyal ay gumawa ng follow-up discussion, bukod sa iba pa sa “current status and prospects of the Russian-Philippines military cooperation.”
“Russia and the Philippines have their own, absolutely independent course in the bilateral cooperation in military and military-technical spheres. We never been depended on the third party,” aniya.
Ang pulong sa pagitan ng envoy ng Russia at ang pinuno ng AFP ay dumating mga araw lamang matapos ihatid ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte notice of termination ng pagtatapos ng VFA sa Deputy Chief of Mission ng US Embassy sa Maynila.
Sa ilalim ng VFA, ang nasabing paunawa ay magkakabisa ng 180 araw pagkatapos matanggap ng alinman sa partido.