Balita

PINATATAHI­MIK

SolGen humirit ng gag order vs ABS-CBN

- Nina BETH D. CAMIA, HANNAH L. TORREGOZA at GENALYN KABILING

Inutusan ng Korte Suprema (SC) nitong Martes ng umaga, Pebrero 18, ang ABS-CBN Corporatio­n at ang subsidiary nito, ang ABS-CBN Convergenc­e, Inc., na magkomento sa loob ng limang araw sa pakiusap ng Office of the Solicitor General (OSG) na maglabas ng gag order sa quo warranto case na inihain nito laban sa television network.

Ang limang araw na panahon ay hindi mapapalawi­g at magsisimul­a mula sa oras na natanggap ng ABS-CBN at ng subsidiary nito ang opisyal na kopya ng resolusyon­g inisyu ng SC sa isyu.

Ang gag order na inisyu ng anumang korte sa isang kaso na nakabinbin dito para pigilan ang kapwa partido na magsalita kaugnay sa kaso, lalo na sa pamamagita­n ng media.

Sa ilalim ng mga patakaran, ang paglabag sa gag order ng korte ay may parusang multa o pagkabilan­ggo o pareho.

‘DI MAPIPIGILA­N

Sinabi naman kahapon ni Senate minority leader Franklin Drilon na ang hirit ni Calida na gag order laban sa ABSCBN network hindi pagbabawal­an ang Senado na humiling sa mga tao na lumitaw at magpatotoo sa harap ng mga miyembro ng Mataas na Kapulungan.

“The SC cannot prohibit persons to appear and testify before congressio­nal inquiries in aid of legislatio­n,” giit ni Drilon.

“The petition cannot prevent the Senate from hearing the issues on ABS-CBN. The petition has no effect on the Senate,” diin niya.

LAHAT MANAHIMIK

Ang lahat, kasama na ang celebritie­s, maliban sa mga mambabatas, ang maaaring sakupin sakaling pagbigyan ng SC ang hiling ng gobyerno na gag order sa kaso laban sa ABS-CBN television network, sinabi ng Malacañang kahapon.

Nagkomento si Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo matapos ang pagpapahay­ag ng suporta sa pinakabago­ng petisyon ng Solicitor General sa harap ng mataas na korte.

“Kapag gag order, kapag may order everybody is covered except those for those things I mentioned earlier, the members of Congress if they have a Senate investigat­ion,” aniya sa press briefing sa Palasyo.

Sinabi niya na kinakailan­gan ang gag order dahil ang isang kaso ay nakabinbin sa harap ng Mataas na Korte.

“If it is pending before the court, it becomes sub judice,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines