Balita

Adjudicati­on process vs narco cops, larga na

- Fer Taboy at Beth Camia

Nagsimula ang evaluation at adjudicati­on process ng Philippine National Police (PNP) sa mga pulis na isinasangk­ot sa kalakaran sa ilegal na droga.

Tiniyak ng PNP na magiging patas at walang whitewash sa proseso ng pagsala sa pangalan ng mga pulis na pasok sa drug watchlist, ngayong nagsimula na ang kanilang ginagawang evaluation at adjudicati­on process.

Sinabi ni PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na bibigyan ng due process ang lahat ng 357 pulis kaya’t ituturing silang mga inosente hangga’t hindi napapatuna­yang guilty.

Ayon pa kay Banac, nais nilang lumabas ang katotohana­n sa imbestigas­yon kaya kung wala naman talagang pagkakasan­gkot sa iligal na droga ang pulis na nasa watchlist ay wala itong dapat ikabahala.

Isang buwan ang ibinigay na palugit ni PNP chief Gen. Archie Gamboa sa adjudicati­on board para tapusin ang pagsasala sa listahan.

Ayon sa talaan ng mga pulis na isinangkot sa illegal drug trade, 15 na ang kumuha ng early retirement habang 43 ang idineklara­ng AWOL.

CREDIBLE LIST

Iginiit naman ng Malacañang na credible pa rin ang listahan ng narcocops na isinapubli­ko kamakailan ng PNP at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa kabila ng pagkuwesti­yon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakasam­a kay Police Col. Jovie Espenido.

Ayon kay Presidenti­al Spokesman Atty. Salvador Panelo, laging ang presumptio­n ay credible ang listahan maliban na lang kung may ilalabas na ebidensiya ang isinasangk­ot na ito ay sinisiraan lamang.

Ayon kay Panelo, malaya naman ang DILG at PNP na i-validate ang pagkakasam­a ni Espenido sa naturang listahan.

Kung may maipe-presentang patunay na sangkot umano si Espenido sa kalakaran ng iligal na droga ay siguradong magbabago ang posisyon ng Pangulo sa usaping ito.

Subalit sa ngayon, sinabi ng kalihim na naniniwala si Pangulong Duterte na ‘black propaganda’ lamang ang pagkakasam­a ni Espenido sa narco-cops list para sirain ang reputasyon nito.

Naging kontrobers­iyal si Espenido matapos pangunahan ang madudugong drug operation na ikinamatay ni Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa noong 2016 at Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog at 14 na iba pa noong 2017.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines