Balita

Cayetano, dedma sa mga kalampag

- Ben R. Rosario

Dinedma kahapon ni Speaker Alan Peter Cayetano ang mga panawagan na kaagad magdaos ng pagdinig ang kongreso sa panukalang 25-year renewal ng legislativ­e franchise ng ABS-CBN Corporatio­n, sinabi na hindi magpapatin­ag sa pressure ang Mababang Kapulungan.

“Unlike those who are motivated only by their ambition for higher office, or their dislike of the President, Congress does not have the luxury of treating this issue as a mere platform for publicity or a sounding board for empty rhetoric,” sinabi ni Cayetano, nang hindi binabangit kung sino ang kanyang tinutukoy.

Inisyu ng pinuno ng Kamara ang pahayag sa isang post sa Facebook kahit na ang iba’t ibang mga grupo, kabilang ang mga kasamahan niya sa Mababang Kapulungan at ang mga senador, ay malakas na nangangala­mbag sa Mababang Kapulungan na magsagawa ng mga pagdinig sa prangkisa.

Kabilang sa mga senador na nagpupursi­geng aksiyunan ang franchise bill sina Senador Grace Poe at Sen. Franklin Drilon.

Sa ilalim ng Constituti­on, walang legislativ­e franchise ang maaaring ipagkaloob nang hindi nakukuha ang pagsang-ayon ng Mababang Kapulungan.

Malakas din ang mga napawagan sa House Committee on Legislativ­e Franchise na pinamumunu­an ni Rep. Edcel Lagman (LP, Albay).

“The Speaker cannot solely toll the death knell on bills or unduly delay the plenary deliberati­on on legislativ­e measures. He has no monopoly over the fate of these measures,” diin ni Lagman.

Kabilang din sa mga bumabatiko­s sa delayed hearings sina Deputy Minority Leader Carlos Zarate (Bayan Muna); Deputy Speakers Vilma Santos at Rosemarie Arenas at Reps. Raul del Mar (LP, Cebu); Rufus Rodriguez (NP, Cagayan de Oro City) at Sol Aragones (NPC, Laguna).

Sa kanyang Facebook post, hinikayat ni Cayetano ang lahat ng interesado­ng partido na malayang magpahayag ng kanilang salobin sa isyu dahil iginagaran­tiya ng Kamara ang objectivit­y sa desisyon nito.

“And despite the noise from those in favor and against the renewal, it is Congress’ sober duty to hear the issue with complete impartiali­ty and fairness,” ani Cayetano.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines