Balita

Botohan sa Cha-Cha, tuloy

- Charissa M. Luci-Atienza

Tulad ng nakatakda, itutuloy ng House Committee on Constituti­onal Amendments ang pagboto sa mga iminungkah­ing pagbabago sa 1987 Constituti­on sa bawat probisyon sa Pebrero 19, Miyerkules.

Sinabi ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, panel chairman, na magpapasya sila sa kapalaran ng mga susog sa konstitusy­on na iminungkah­i ng Inter-Agency Task Force on Constituti­onal Reform, na pinamumunu­an ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.

“We will decide what recommenda­tions of the Inter-Agency Task Force on Constituti­onal Reform we will include in our report to Speaker Alan Peter Cayetano and the plenary,” aniya sa isang pahayag.

Nabanggit niya na marami sa mga iminungkah­ing pagbabago ng Task Force ay kasama sa paunang ulat ng kanyang panel.

Sinabi ni Rodriguez na ang Task Force at ang kanyang panel ay nagkakaisa na irekomenda ang mga sumusunod: ang paghalal ng mga senador sa bawat rehiyon, limang taong termino para sa mga lokal na opisyal at miyembro ng Kamara, at pag-alis sa mga paghihigpi­t sa pagmamay-ari ng dayuhan.

Nabanggit niya na hinahangad din ng Task Force ang pagsasama ng mga probisyon laban sa political dynasty at turncoats, paglikha ng mga awtoridad sa rehiyon, at paglalaan ng mas malaking bahagi ng pambansang kita para sa local government units, at subsidy ng estado para sa political parties.

Sinabi rin ni Rodriguez na nakatakda nilang aprubahan ang committee report sa Pebrero 26 para iendorso ang Charter change measure para sa plenary debate a approval

“So by March, we can start the plenary discussion,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines