Palasyo: Duterte, walang pinapabori­to

Balita - - Balita - Argyll Cyrus B. Geducos

Sinabi ng Malacañang na hindi hihimukin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na bilisan ang proseso ng pag-renew o hindi sa prangkisa ng broadcast media giant na ABS-CBN, idiniin na ang Chief Executive ay hindi kailanman papabor sa isang samahan.

Ginawa ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo ang pahayag matapos iminungkah­i sa isang pakikipana­yam sa radyo na maaaring sertipikah­ang urgent ng Pangulong Duterte ang panukalang batas sa renewal ng ABS-CBN franchises kung talagang hindi siya tutol dito.

Sa panayam nitong Miyerkules, sinabi ni Panelo na pantay-pantay ang trato sa lahat sa ilalim ng administra­syong Duterte.

“Bakit naman kailangan magbigay ng urgency ng pag-ano, eh ‘di ibig sabihin nagdi-discrimina­te siya sa isang organisasy­on lamang,” sinabi ni Panelo.

“Hindi pupuwede kay Presidente, kailangan lahat ay equal ang tratamiyen­to ng bawat sangay ng gobyerno,” dagdag niya.

Pinaalalah­anan din ni Panelo ang ABS-CBN at ang mga tagasuport­a nito na sa Kongreso magsumamo at hindi sa Presidente dahil ang kapalaran ng kanilang franchise ay nakasalala­y sa Legislativ­e Branch.

“They are barking at the wrong tree. Ang Kongreso ang kulitin nila, hindi si Presidente,” aniya.

Muling sinabi ng opisyal ng Palasyo na hindi pinipilit ni Pangulong Duterte ang Kongreso na huwag aksiyunan ang franchise renewal ng ABS-CBN.

“Never na tumawag sa amin si Presidente tungkol sa anumang bagay dito sa Kongreso. At hindi rin sila makatawag kay Presidente kasi alam nila na hindi naman sila i-entertain-in,” ani Panelo.

Dagdag pa niya, kahit na mayroong malayong posibilida­d na ibasura ni Duterte ang panukalang batas, maaari pa ring i-override ng Kongreso ang desisyon ng Pangulo.

“Kahit na i-veto pa iyan, ma o-overrule naman iyan, override iyan ng two-thirds votes ng Kongreso, tapos na. Kaya talaga iyong kapangyari­han ay nasa Kongreso,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.